Mabilis na makakuha ng mga insight, gamit ang Google Forms
Gumawa at magbahagi ng mga online na form at survey nang walang kahirap-hirap, at suriin ang mga sagot nang real-time.
Gumawa ng online na form sa paraang kasindali ng paggawa ng dokumento
Pumili sa maraming uri ng tanong, mag-drag at mag-drop para baguhin ang pagkakasunod-sunod ng mga tanong, at mag-customize ng mga value sa paraang kasindali ng pag-paste ng listahan.
Magpadala ng mga pulidong survey at form
Mag-customize ng mga kulay, larawan, at font para isaayos ang hitsura at dating o ipakita ang pag-brand ng iyong organisasyon. At magdagdag ng custom na logic na nagpapakita ng mga tanong batay sa mga sagot, para sa mas maayos na karanasan.
Suriin ang mga sagot gamit ang mga awtomatikong buod
Tingnan ang mga chart na may update sa data ng sagot nang real-time. O buksan ang raw data gamit ang Google Sheets para sa mas malalim na pagsusuri o pag-automate.
Gumawa at sumagot ng mga survey kahit saan
Mag-access, gumawa, at mag-edit ng mga form on-the-go, mula sa malalaki at maliliit na screen. Puwedeng sagutan ng iba ang iyong survey nasaan man sila—mula sa anumang mobile device, tablet, o computer.
Sama-samang bumuo ng mga form at suriin ang mga resulta
Magdagdag ng mga collaborator—tulad sa Google Docs, Sheets, at Slides—para sama-samang bumuo ng mga tanong nang real-time. Pagkatapos ay sama-samang suriin ang mga resulta nang hindi na kailangang magbahagi ng maraming bersyon ng file.
Gumamit ng malinis na data ng sagot
Gamitin ang naka-built in na intelligence para magtakda ng mga panuntunan sa pag-validate ng sagot. Halimbawa, tiyaking maayos ang pagkaka-format sa mga email address o nasa partikular na hanay ang mga numero.
Magbahagi ng mga form sa pamamagitan ng email, link, o website
Madaling magbahagi ng mga form sa mga partikular na tao o sa malawak na audience sa pamamagitan ng pag-embed ng mga form sa iyong website o pagbabahagi ng mga link sa social media.
Seguridad, pagsunod, at privacy
Secure bilang default
Gumagamit kami ng mga hakbang panseguridad na nangunguna sa industriya para mapanatiling ligtas ang iyong data, kabilang ang mga advanced na proteksyon laban sa malware. Cloud-native din ang Forms, na nag-aalis sa pangangailangan para sa mga lokal na file at binabawasan nito ang panganib sa iyong mga device.
Ine-encrypt habang ipinapadala at hindi ipinapadala
Naka-encrypt ang lahat ng file na na-upload sa Google Drive o ginawa sa Forms habang ipinapadala at hindi ipinapadala.
Pagsunod bilang suporta sa mga pampangasiwaang kinakailangan
Ang aming mga produkto, kabilang ang Forms, ay regular na sumasailalim sa hiwalay na pag-verify para sa mga kontrol ng mga ito sa seguridad, privacy, at pagsunod.
Pribado ayon sa disenyo
Sumusunod ang Forms sa mahihigpit na pangako sa privacy at proteksyon ng data na sinusunod din ng iba pang serbisyo sa enterprise ng Google Cloud.
Ikaw ang may kontrol sa iyong data.
Hindi namin kailanman ginagamit ang iyong content sa Forms para sa mga layunin ng ad.
Hindi namin kailanman ibinebenta ang iyong personal na impormasyon sa mga third party.
Hanapin ang plan na angkop para sa iyo
Ang Google Forms ay bahagi ng Google Workspace
Ang bawat plan ay may
Para sa Personal (Libre) |
Business Standard$12 USD
kada user / buwan, 1 taong commitment O $14.40 kada user / buwan, kapag buwan-buwang siningil
|
|
---|---|---|
Docs, Sheets, Slides, Forms
paggawa ng content |
||
Drive
Secure na cloud storage |
15 GB bawat user |
2 TB bawat user |
Mga shared drive para sa iyong team |
||
Gmail
Secure na email |
||
Custom na pangnegosyong email |
||
Meet
Pakikipagkumperensya gamit ang video at boses |
100 kalahok |
150 kalahok |
Na-save sa Drive ang mga recording ng meeting |
||
Admin
Sentralisadong pangangasiwa |
||
Mga kontrol sa patakaran sa seguridad na nakabatay sa grupo |
||
Suporta sa customer |
Mga self-service na online na forum at forum ng komunidad |
24/7 na online support at mga forum ng komunidad |
Magsimula sa mga template
Pumili sa iba't ibang survey, questionnaire, at iba pang template na propesyonal na idinisenyo para simulan nang mabilis ang mga bagay-bagay.
Bisitahin ang Gallery ng Template ng Forms para sa higit pa.