Nasa background at pinapanatili kang secure

Pinoprotektahan ka ng AI-powered na seguridad ng Chrome laban sa mga banta at hacker online, na nagbibigay sa iyo ng kumpiyansa habang nagba-browse ka sa web.

  • Tumitingin ang babae sa kanyang telepono. Nagsasabi ang mga element ng “Privacy at Seguridad” na may alerto tungkol sa mga nakompromisong password.

    Pag-check sa Kaligtasan

    Mga proactive na alertong pangkaligtasan para mapanatag

    Patuloy na sinusuri ng Chrome kung secure na naka-set up ang iyong browser. Tinitiyak nitong mayroon ka ng mga pinakabagong update sa seguridad, sinusuri ang iyong mga password at extension para sa mga potensyal na panganib sa seguridad, at nire-reset ang mga pahintulot mula sa mga hindi ginagamit na site para protektahan ang privacy mo.

Ligtas na Pagba-browse

Mag-browse nang ligtas o piliin ang karagdagang proteksyon

Pinapanatili kang protektado ng Karaniwang proteksyon laban sa mga website, download, at extension na kilalang mapanganib. sa pamamagitan ng pagpapakita ng mensahe ng babala bago ka bumisita sa isang mapanganib na site o mag-download ng mapanganib na app. Para sa higit pang advanced na proteksyon sa seguridad, i-on ang Mas mabilis at proactive na proteksyon laban sa mga mapanganib na website, download, at extension. Nagre-require na magpadala ng data mula sa pag-browse sa Google sa iyong mga setting. Gumagamit ito ng AI para ma-detect ang mga bagong banta sa seguridad nang mas mabilis at pinoprotektahan ka kapag ginagamit mo ang Chrome at iba pang produkto ng Google.

Naka-float ang mga generic na web page sa light blue na background. Nasa harap ang pulang pop up na may icon ng red alert.
Naka-float ang mga generic na web page sa dark blue na background. Nasa harap ang pulang pop up na may icon ng red alert.

Password Manager

Ligtas na mag-sign in nasaan ka man

Gumawa, mag-store, at mamahala ng mga secure na password gamit ang Google Password Manager. Naka-built in na ito sa Chrome, para madali kang makapag-sign in sa mga site sa iyong Chrome browser at mga app nasa couch o beach ka man.

I-explore ang Password Manager
Hinihiling ng page sa pag-sign in para sa pagpapa-reserve ng biyahe na gumamit ng naka-save na password. Isang eksena ng kalikasan ang nasa background.
Hinihiling ng page sa pag-sign in para sa pagpapa-reserve ng biyahe na gumamit ng naka-save na password. Isang eksena ng kalikasan ang nasa background.

Mga setting ng privacy na magbibigay sa iyo ng kontrol

Pinapadali ng Gabay sa Privacy ng Chrome na makontrol at maunawaan ang pinakamahahalagang setting ng privacy.

  • Hinahawakan ng babae ang kanyang mukha at tumitingin sa kanyang telepono.

    Gabay sa Privacy

    Isang gabay sa pamamahala ng iyong privacy

    Ang Gabay sa Privacy ay step-by-step na guided tour tungkol sa mga pinakamahalagang kontrol sa privacy at seguridad sa Chrome—para magawa at mapamahalaan mo ang mga tamang pagpipilian para sa iyo sa iisang lugar.

Mga kontrol sa privacy

I-personalize ang iyong privacy

Binibigyan ka ng Chrome ng kontrol sa iyong data at kung paano ito ginagamit. Gamit ang mga kontrol sa privacy ng Chrome sa iyong mga setting, maki-clear mo ang iyong history ng pag-browse o mapapamahalaan mo ang access ng mga website sa iyong lokasyon o camera.

Isang screenshot ng page ng paghahanap ng Google, kasama ang mga icon para sa YouTube, Gmail, Google Maps, at iba pang produkto ng Google.
Isang screenshot ng page ng paghahanap ng Google, kasama ang mga icon para sa YouTube, Gmail, Google Maps, at iba pang produkto ng Google.

Mga Profile

Palitan ito

Sa pamamagitan ng Mga Profile, mapapanatili mong magkahiwalay ang mga setting ng Chrome ayon sa account, para sa paggawa man ito ng espasyo sa trabaho at sa personal o para sa pag-share ng iyong computer sa ibang tao. Tinutulungan ka ng Mga Profile na mag-navigate sa web, kung paano at kung kailan mo gusto.

May asul na larawan ng isda na nasa koi pond sa background ng page ng paghahanap sa Google. May larawan ng babae sa sulok.
Puti ang background ng page ng paghahanap ng Google. Nasa sulok ang larawan ng babae.

Incognito Mode

Naging incognito ka

Kapag ginamit mo ang Incognito mode ng Chrome, hindi makikita ng ibang taong gumagamit ng iyong device ang aktibidad mo. Hindi mase-save ang iyong history ng pag-browse, cookies at data ng site, o ang impormasyong inilalagay sa mga form, para makapag-browse ka nang mas pribado. Hindi nito babaguhin kung paano kinokolekta ang data ng mga website na binibisita mo at ng mga serbisyong ginagamit ng mga ito.

Matuto pa tungkol sa Incognito
'Masasayang ideya para sa date' ang nakalagay sa search bar, at may mga bulaklak, pagkain, mapa, at dalawang taong tumatawa sa likod nito.
'Masasayang ideya para sa date' ang nakalagay sa search bar, at may mga bulaklak, pagkain, mapa, at dalawang taong tumatawa sa likod nito.

Mga karagdagang mapagkukunan ng impormasyon

Dalhin mo ang iyong browser

I-download ang Chrome sa iyong mobile device o tablet at mag-sign in sa account mo para sa parehong experience sa browser, sa lahat ng lugar.

QR code para ma-download ang chrome browser sa mga mobile device

I-scan para sa
Chrome app