Pumunta sa content
Google Play Games
Simula ng pangunahing content.
Google Play Games

Seamless na paglalaro sa mobile at PC

Hanapin ang larong para sa iyo

Mag-explore ng world-class na catalog ng mahigit 200,000 (na) laro sa mobile at PC, at hanapin ang larong bagay sa iyo

Mangolekta ng mga reward

Makakuha ng Google Play Points1 na magagamit mo sa mga pagbili ng laro, at makatanggap ng mga eksklusibong perk bilang miyembro ng Points

Makatanggap ng mga update sa laro

Ang mga update tungkol sa mga paborito mong laro at ang mga sarili mong nakamit sa gaming ay nasa iisang convenient na tab na Ikaw2

Pagkatapos magpatuloy, makakatanggap ka ng email para sa Google Play Games sa PC
Mag-scroll para sa iba pa

Seamless na maglaro sa iba't ibang device mo

I-sync ang iyong library ng laro at pag-usad3, para makapagpatuloy ka mula sa kung saan ka huminto — naglalaro ka man on-the-go sa iyong telepono, o nag-i-immerse sa mas malaking screen at mas mahuhusay na kontrol sa PC.

Hanapin ang larong angkop sa iyo

Sa lampas 200,000 laro sa mobile at PC, may laro para sa lahat sa Google Play Games. Makakuha ng mga rekomendasyon at detalyadong impormasyon tungkol sa bawat laro, para alam mo kung aling laro ang susunod mong magugustuhan. Tingnan ang mga available na laro sa mobile at PC.

Mga alok sa Play Points
Play Points
Mga Premyo at Reward
Coins
Mga Badge

Maglaro para sa mga reward

Mag-unlock ng mga next-level na reward gamit ang Google Play Points, ang rewards program ng Google Play kung saan ka puwedeng makakuha ng mga puntos at reward na magagamit para sa mga diskwento at in-game item. Kapag mas marami kang nakuhang Play Points, mas marami kang maa-unlock na walang katumbas na reward, perk, at hindi mabibiling experience. Sumali na1.

Mga Streak
Mga Diskwento
Mga Laro
Mga Achievement

Organisadong impormasyon sa gaming

Sa gitna ng tab na Ikaw ay ang iyong Gamer Profile. Madali kang makakapag-transition sa Gamer Profile mula sa tab na Ikaw o anumang oras sa pamamagitan ng pag-click sa icon ng profile sa mobile. Dahil sa iisang profile sa mobile at PC, madali mong masusubaybayan ang iyong mga stat, streak, pag-usad, at achievement sa iba't ibang laro mo. Bawat nakamit, bawat tagumpay – narito itong lahat para maipagdiwang.

Manatiling updated nang hindi umaalis sa laro

Ang Play Games Sidekick na may Gemini Live ay isang bagong gaming companion na nagbibigay sa iyo ng madaling access sa iyong mga istatistika, achievement, at tip nang hindi umaalis sa laro mo. Puwede ka ring makakuha ng real-time na conversational na gabay mula sa Gemini Live habang naglalaro ka. Available lang ang Sidekick habang naglalaro ng mga larong na-download mula sa Play, at paparating na ito sa mobile.

I-secure ang iyong paglalaro sa Google

Maglaro nang may kumpiyansa sa mobile at PC, nang may seguridad at proteksyon mula sa Google. Nagpapagana ang Google Play ng mahigit 10,000 (na) pag-check sa kaligtasan sa bawat laro na iniaalok namin para makatulong na panatilihing secure ang iyong data at mga device.

Mga madalas itanong

Pinapahusay ng Google Play Games ang gaming sa mobile, mga tablet, at PC sa pamamagitan ng paggawang mas seamless ng cross-device na gameplay. Kasama sa experience ang iisang gaming profile para sa mobile at PC, malaking catalog ng mga larong malalaro sa iba't ibang device, mga reward na puwede mong makuha kapag naglalaro, maayos na impormasyon sa gaming, at Play Games Sidekick na may Gemini Live, isang companion na nagbibigay sa iyo ng madaling access sa impormasyon nang hindi umaalis sa laro mo. Mauunang ilunsad sa mobile ang tab na Ikaw at Sidekick.
Para magsimula sa mobile:
  1. Buksan ang Google Play Store app sa Android
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile
  3. I-tap ang “Sumali sa Google Play Games”
  4. Sundin ang mga hakbang para gumawa ng gamer profile.

Puwede ka ring sumali sa Google Play Games sa pamamagitan ng PC mo:
  1. I-download ang Google Play Games sa iyong Windows desktop o laptop
  2. Buksan ang .exe file at sundin ang mga tagubilin sa screen
  3. Kapag na-set up mo ang iyong account sa pamamagitan ng Google Play Games sa PC, awtomatikong mase-set up ang iyong profile sa Google Play Games. Handa ka na.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang aming artikulo sa Help Center. Available sa mahigit sa 140 rehiyon ang Google Play Games sa PC. Makakapaglaro sa PC ang sinumang nasa mga rehiyong ito na may kwalipikadong device.
Oo. Kahit wala kang Android mobile device, mae-experience mo ang Google Play Games sa iyong Windows PC device. Maraming larong available sa mga iOS mobile device ang malalaro rin sa Google Play Games sa PC.
Isang gamer profile lang kada Google Account ang puwede mong i-set up. Kung marami kang Google Account, puwede kang gumawa ng maraming gamer profile.
Hindi mo kailangang magbayad para magamit ang Google Play Games sa mobile o PC. Gayunpaman, kapag naglalaro, baka kailangan mong magbayad para sa isang laro o mga in-game item.
Marami kaming larong mapagpipilian sa iba't ibang device. I-explore kung ano'ng available sa mobile at PC.
Para mag-install ng mga laro sa iyong Android mobile device, buksan ang Google Play Store, maghanap ng laro, at i-tap ang “I-install.” Para mag-install ng mga laro sa PC, pagkatapos i-set up ang Google Play Games sa iyong PC, maghanap ng laro, at i-click ang “I-install.”
Kung hindi ka sasali sa Google Play Games, hindi ka magkaka-access sa ilang partikular na feature tulad ng tab na Ikaw o Play Games Sidekick sa Android mobile device mo.
Alamin kung paano i-delete ang iyong Profile sa Play Games dito.
Natutugunan dapat ng PC mo ang mga minimum na requirement na ito:
  • Windows 10 (v2004)
  • Solid state drive (SSD) na may 10 GB na available na storage space
  • IntelⓇ UHD Graphics 630 GPU o katumbas
  • 4 na physical core ng CPU
  • 8 GB ng RAM
  • Admin account sa Windows
  • Dapat na naka-on ang hardware virtualization

Google Play Games

Sumali sa aksyon

Pagkatapos magpatuloy, makakatanggap ka ng email para sa Google Play Games sa PC