Panimula
Misyon ng Google na isaayos ang impormasyon ng mundo at gawin itong naa-access at kapaki-pakinabang para sa lahat. May mahalagang tungkulin sa misyong iyon ang impormasyon ng lokasyon. Mula sa mga direksyon sa pagmamaneho, sa pagtiyak na kasama sa iyong mga resulta ng paghahanap ang mga bagay na malapit sa iyo, at hanggang sa pagpapakita sa iyo kung kailan karaniwang matao ang isang restaurant, nagiging higit na may kaugnayan at kapaki-pakinabang ang iyong mga experience sa Googe dahil sa impormasyon ng lokasyon.
Nakakatulong din ang impormasyon ng lokasyon sa ilang pangunahing functionality ng produkto, tulad ng paghahatid ng website sa tamang wika o pagtulong na mapanatiling secure ang mga serbisyo ng Google.
Inilalarawan ng Patakaran sa Privacy ng Google kung paano gumagamit ang Google ng data, kasama ang impormasyon ng lokasyon, kapag ginagamit mo ang mga produkto at serbisyo nito. Nagbibigay ang page na ito ng karagdagang detalye tungkol sa impormasyon ng lokasyon na ginagamit ng Google at kung paano mo makokontrol ang mga paraan kung paano ito puwedeng gamitin. Puwedeng mag-iba ang ilang kagawian sa data para sa mga user na wala pa sa edad na 18 taon. Matuto pa sa Notification ng Privacy para sa Mga Google Account at Profile na Pinapamahalaan gamit ang Family Link ng Google at Gabay sa Privacy para sa Teenager ng Google.
Paano ginagamit ng Google ang impormasyon ng lokasyon?
Iba-iba ang paraan ng paggamit ng Google ng impormasyon ng lokasyon depende sa serbisyo o feature na ginagamit at sa mga setting ng device at account ng mga tao. Narito ang ilang pangunahing paraan kung paano posibleng gamitin ng Google ang impormasyon ng lokasyon.
Para gawing kapaki-pakinabang ang mga experience
Puwedeng gumamit o mag-save ang Google ng impormasyon ng lokasyon para magbigay sa mga tao ng mga kapaki-pakinabang na serbisyo kapag nakikipag-interact sila sa mga produkto ng Google, tulad ng pagbibigay ng mga lokal na nauugnay at mas mabilis na resulta ng paghahanap, hula sa trapiko para sa mga pang-araw-araw na pag-commute ng mga tao, at suhestyong nagsasaalang-alang ng konteksto ng isang tao. Halimbawa, malamang na manonood ng mga pelikula sa mga sinehang nasa kapitbahayan niya, hindi sa ibang lungsod, ang isang taong naghahanap ng mga oras ng pelikula. Sa Google Maps, tumutulong ang impormasyon ng lokasyon para mahanap ng mga tao ang lugar nila sa mapa at makapag-navigate sila papunta sa mga lugar na gusto nilang bisitahin.
Para tulungan ang mga taong maalala ang mga lugar na napuntahan na nila
Puwedeng piliin ng mga tao na maalala ang mga lugar na pinupuntahan nila sa pamamagitan ng kanilang mga device gamit ang Timeline. Para magamit ang Timeline, puwedeng i-on ng mga tao ang History ng Lokasyon, isang setting sa Google Account na gumagawa ng personal na mapa ng mga lugar na napuntahan na nila at mga rutang ginamit nila. Kung pipiliin mong gamitin ang History ng Lokasyon, sine-save ang mga eksaktong lokasyon ng iyong device sa isang personal na mapa, pati kapag wala kang nakabukas na Google app. Puwedeng tingnan at i-delete sa Timeline ang impormasyong ito.
Para tulungan ang mga taong mahanap ang mga bagay-bagay nang mas mabilis at makakuha ng mga mas kapaki-pakinabang na resulta
Halimbawa, ang Aktibidad sa Web at App. Isa itong setting ng Google account na magagamit ng mga tao para i-save ang data ng aktibidad nila at nauugnay na impormasyon, gaya ng lokasyon, para maging mas naka-personalize ang experience nila kapag naka-sign in sila sa mga serbisyo ng Google. Halimbawa, posibleng magpakita ang Search ng mga resultang may kaugnayan sa isang general area kung saan ka naghanap dati.
Para magpakita ng mga ad na mas may kaugnayan
Makakatulong ang impormasyon ng lokasyon mo para makapagpakita sa iyo ang Google ng mga mas may kaugnayang ad. Kapag naghanap ka ng gaya ng “mga tindahan ng sapatos malapit sa akin,” puwedeng gamitin ang impormasyon ng lokasyon para magpakita sa iyo ng mga ad mula sa mga tindahan ng sapatos na malapit sa iyo. O kaya, kapag naghanap ka ng insurance para sa alagang hayop, posibleng magpakita ang mga advertiser ng iba't ibang benepisyo sa iba't ibang lugar. Matuto pa tungkol sa kung paano ginagamit ang impormasyon ng lokasyon para magpakita ng mga ad.
Para gawing mas secure ang mga experience
Gumagamit ang Google ng impormasyon tungkol sa iyong lokasyon para magbigay ng ilang pangunahing serbisyo, gaya ng pagpapanatiling ligtas sa iyong account sa pamamagitan ng pag-detect ng hindi pangkaraniwang aktibidad, o pag-sign-in mula sa isang bagong lungsod.
Para magpakita ng mga anonymous na trend sa komunidad at mga tantya, at para sa pananaliksik
Gumagamit din ang Google ng pinagsama-samang anonymous na impormasyon ng lokasyon para sa pananaliksik at para magpakita ng mga trend sa komunidad.
Para malaman ang higit pang paraan ng paggamit sa impormasyon ng lokasyon, sumangguni sa Patakaran sa Privacy ng Google.
Paano gumagana ang lokasyon sa Android device at mga app ko?
Puwede kang makakuha ng mga resulta ng lokal na paghahanap at hula sa pag-commute, at makahanap ng mga restaurant sa malapit gamit ang lokasyon ng iyong device. Sa pamamagitan ng mga setting ng Android device para sa mga mobile phone o tablet mo, makokontrol mo kung nagtatantya ng lokasyon ang mga serbisyo ng lokasyon sa iyong device, at kung magagamit at paano magagamit ang lokasyon ng device na iyon ng mga partikular na app at serbisyo sa device mo.
Paano mo makokontrol ang paggamit sa lokasyon ng device ng mga app
Makokontrol mo kung aling mga app ang may pahintulot na gamitin ang lokasyon ng device sa mga setting ng iyong Android device. Sa mga setting, may mga kontrol ka kung saan mapipili mo kung maa-access ng app ang eksakto o tinatayang lokasyon. Nagdagdag kami ng mga kontrol na magagamit mo para magdesisyon kung maa-access ng app ang lokasyon ng device anumang oras, habang ginagamit lang ang app, kung palaging kailangang magtanong ng app, o hindi kailanman. Depende sa bersyon ng Android na ginagamit ng device mo kung available ang mga setting at kontrol na ito. Matuto pa.
Paano gumagana ang lokasyon ng device
Depende sa mga setting ng device mo, tinatantya ng mga Android device ang lokasyon sa pamamagitan ng paggamit ng iba't ibang input, kabilang ang GPS, mga sensor (gaya ng accelerometer, gyroscope, magnetometer, at barometer), mga signal ng mobile network, at mga signal ng Wi-Fi. Magagamit ang mga input na ito para tantyahin ang pinakatumpak na lokasyong posible na ibibigay sa mga app at serbisyo sa device na mayroon ng mga kinakailangang pahintulot. Matuto pa tungkol sa mga setting ng lokasyon ng iyong Android device.
Makakatulong ang mga signal ng mobile at Wi-Fi network para matantya ng Android ang lokasyon ng device, lalo na sa mga lugar kung saan walang signal ng GPS o hindi tumpak ang mga iyon, kabilang sa masisikip na lugar sa lungsod o kapag nasa loob ng gusali. Ang Katumpakan ng Lokasyon ng Google (GLA na tinatawag ding Mga Serbisyo ng Lokasyon ng Google) ay isang serbisyo ng Google na gumagamit sa mga signal na ito para pahusayin ang tinatantyang lokasyon ng device.
Para maibigay ang mas tumpak na lokasyong ito, kapag naka-on, pana-panahong nangongolekta ang GLA ng impormasyon ng lokasyon mula sa Android device mo—kabilang ang GPS at impormasyon tungkol sa mga access point ng Wi-Fi, mobile network, at sensor ng device—gamit ang pansamantalang nagro-rotate na identifier ng device na hindi nauugnay sa sinumang partikular. Ginagamit ng GLA ang impormasyong ito para pahusayin ang katumpakan ng lokasyon at magbigay ng mga serbisyong batay sa lokasyon, pati sa pamamagitan ng pagbuo ng mga naka-crowdsource na mapa ng mga access point ng Wi-Fi at tower ng mobile network.
Puwede mong i-off ang GLA anumang oras sa mga setting ng lokasyon ng iyong Android device. Gagana pa rin ang lokasyon ng Android device mo kahit naka-off ang GLA, at aasa ang device sa GPS at mga sensor ng device lang para tantyahin ang lokasyon ng device.
Paano nalalaman ng Google ang aking lokasyon?
Depende sa mga ginagamit mong produkto at pinipili mong setting, puwedeng gumamit ang Google ng iba't ibang uri ng impormasyon ng lokasyon para maging mas kapaki-pakinabang ang ilang serbisyo at produktong ginagamit mo.
Puwedeng magmula ang impormasyon ng lokasyon na ito sa mga real-time na signal, gaya ng iyong IP address o device, gayundin sa naka-save na aktibidad mo sa mga site at serbisyo ng Google. Narito ang mga pangunahing paraan kung paano puwedeng makakuha ang Google ng impormasyon tungkol sa iyong lokasyon.
Mula sa iyong IP address
Ang IP address, na tinatawag ding Internet Protocol address, ay numerong itinatalaga ng Internet Service Provider mo sa iyong computer o device. Ginagamit ang mga IP address para ikonekta ang iyong mga device sa mga website at serbisyong ginagamit mo.
Gaya ng marami pang serbisyo sa internet, puwedeng gumamit ang Google ng impormasyon tungkol sa general area kung nasaan ka para makapagbigay ng ilang basic na serbisyo—mga may kaugnayang resulta, halimbawa, kapag may naghanap kung anong oras na, o pagsisiguro sa kaligtasan ng account mo sa pamamagitan ng pag-detect ng hindi pangkaraniwang aktibidad, gaya ng pag-sign in sa bagong lungsod.
Tandaan: Kailangan ng IP address ng mga device para makapagpadala at makatanggap ng trapiko sa internet. Halos nakabatay sa geography ang mga IP address. Ibig sabihin, puwedeng makatukoy at makagamit ang anumang app, serbisyo, o website na ginagamit mo, kabilang ang google.com, ng ilang impormasyon tungkol sa iyong general area mula sa IP address mo.
Mula sa iyong naka-save na aktibidad
Kung naka-sign in ka sa iyong Google Account at naka-on ang Aktibidad sa Web at App, puwedeng i-save sa Aktibidad sa Web at App ng iyong account ang data ng aktibidad mo sa mga site at app, at serbisyo ng Google. Posibleng kasama sa ilang aktibidad ang impormasyon tungkol sa general area na napuntahan mo kapag ginagamit ang serbisyo ng Google. Kapag naghanap ka ng bagay gamit ang general area, gagamit ang iyong paghahanap ng area na hindi liliit sa 3 sq km, o papalawakin ito hanggang sa kumatawan ang area sa mga lokasyon ng hindi bababa sa 1,000 tao. Tumutulong ito sa pagprotekta ng iyong privacy.
Sa ilang sitwasyon, puwedeng gamitin ang mga lugar kung saan ka naghanap sa nakaraan para magtantya ng nauugnay na lokasyon para sa iyong paghahanap. Halimbawa, kung naghanap ka ng mga coffee shop habang nasa Chelsea, posibleng magpakita ang Google ng mga resulta para sa Chelsea sa mga paghahanap sa hinaharap.
Puwede mong tingnan at kontrolin ang iyong Aktibidad sa Web at App sa Aking Aktibidad.
Kung hindi ka naka-sign in sa iyong Google Account, posibleng i-store ng Google ang ilang impormasyon ng lokasyon para sa mga nakaraang paghahanap mula sa device na ginagamit mo para makatulong na magbigay ng mga mas may kaugnayang resulta at rekomendasyon. Kung io-off mo ang pag-customize sa Search, hindi gagamitin ng Google ang nakaraang aktibidad sa paghahanap para tantyahin ang iyong lokasyon. Matuto pa tungkol sa kung paano maghanap at mag-browse nang pribado.
Mula sa na-save mong address ng bahay o trabaho
Puwede mong piliing i-save sa Google Account mo ang mga lugar na mahalaga sa iyo, tulad ng bahay o trabaho mo. Kung itatakda mo ang iyong address ng bahay o trabaho, magagamit ang mga ito para matulungan kang gumawa ng mga bagay nang mas madali, tulad ng pagkuha ng mga direksyon o paghahanap ng mga resultang mas malapit sa bahay o trabaho mo, at para magpakita sa iyo ng mga mas kapaki-pakinabang na ad.
Puwede mong i-edit o i-delete anumang oras ang address ng bahay o trabaho mo sa iyong Google Account.
Mula sa iyong device
Paano ginagamit ng mga app ng Google ang lokasyon mula sa iyong device
May mga setting o pahintulot ang mga device na puwede mong gamitin para makontrol kung available ang eksaktong lokasyon mo sa mga app, kabilang ang mga app ng Google, gaya ng Search at Maps. Kapaki-pakinabang ang ganitong uri ng eksaktong lokasyon sa mga app, gaya ng Google Maps, para makapagbigay ng mga direksyon o matulungan kang makakuha ng mga kapaki-pakinabang na resulta ng paghahanap sa malapit. Halimbawa, makakakuha ka ng mga mas may kaugnayang resulta ng paghahanap para sa mga bagay na gaya ng mga lokal na lugar at impormasyon sa lagay ng panahon kapag naka-on ang mga setting o pahintulot ng eksaktong lokasyon.
May mga setting ang iOS at Android para sa mga pahintulot sa lokasyon para sa app na puwede mong i-on o i-off. Puwede mong pahintulutan ang mga app na gamitin ang iyong lokasyon para makapagbigay ng mga feature at serbisyong nakabatay sa lokasyon. Tandaang kung minsan, kinakailangan ng mga app na pansamantalang i-store ang eksaktong lokasyon mo para mabilis na makapagbigay sa iyo ang mga ito ng mga kapaki-pakinabang na resulta, o makatipid ng baterya dahil naiiwasang kailanganing tuloy-tuloy na i-update ang lokasyon.
Kailangan ng ilang app ng access sa lokasyon ng iyong device sa background, tulad ng Hanapin ang Aking Device, o kung gusto mong gumamit ng ilang partikular na feature, tulad ng Pagbabahagi ng Lokasyon.
Para sa higit pang impormasyon kung paano gumagana ang lokasyon sa Android device mo, pumunta rito.
Paano sine-save sa Google Account ko ang History ng Lokasyon at Aktibidad sa Web at App?
Sa mga susunod na buwan at patuloy pa sa 2024, magbabago ang setting ng History ng Lokasyon. Aabisuhan ang mga kasalukuyang user ng History ng Lokasyon kapag maaapektuhan na ng pagbabagong ito ang account nila, at kapag naabisuhan sila, makikita na nila ang pangalang Timeline sa kanilang mga setting ng account at app. Para sa mga gumagamit na ng Timeline, kabilang ang mga user na direktang nag-on ng Timeline, nalalapat sa paggamit nila sa Timeline ang impormasyong nakasaad sa page na ito tungkol sa data ng lokasyon sa History ng Lokasyon. Matuto pa.
History ng Lokasyon at Aktibidad sa Web at App
Mga setting ng Google Account na gumagamit ng lokasyon ang History ng Lokasyon at Aktibidad sa Web at App. Narito ang pangkalahatang-ideya ng bawat isa. Tandaan, puwede ring mangolekta o mag-store ng impormasyon ng lokasyon ang iba pang feature o produkto.
History ng Lokasyon
Kung io-on mo ang History ng Lokasyon, gagawin nito ang Timeline, isang personal na mapang makakatulong sa iyong maalala ang mga lugar na napuntahan mo na, at mga ruta at biyaheng ginamit mo.
Naka-off bilang default ang History ng Lokasyon. Kung io-on mo ang History ng Lokasyon, regular na ise-save ang eksaktong lokasyon ng device mo para sa bawat kwalipikadong mobile device kung saan naka-on ang setting ng Pag-uulat ng Lokasyon. Ginagamit ang mga lokasyon ng device na ito para buuin ang Timeline mo kahit kapag hindi ginagamit ang mga Google app.
Para gawing mas kapaki-pakinabang para sa lahat ang mga experience sa Google, puwedeng gamitin ang History ng Lokasyon para
- magpakita ng impormasyon, gaya ng mga abalang oras at insight sa kapaligiran batay sa naka-anonymize na impormasyon ng lokasyon
- tukuyin at pigilan ang panloloko at pang-aabuso
- pahusayin at i-develop ang mga serbisyo ng Google, kabilang ang mga produkto ng mga ad
Puwede ring makatulong sa mga negosyo ang History ng Lokasyon na tantyahin kung gaanong malamang na bibisita ang mga tao sa kanilang mga store dahil sa isang ad.
Puwede mong suriin, i-edit, at i-delete ang naka-save sa iyong Timeline anumang oras. Para tingnan kung na-on mo ang History ng Lokasyon, bumisita sa iyong Mga Kontrol ng Aktibidad. Doon, magagawa mong kontrolin ang setting ng History ng Lokasyon at kontrolin kung aling mga device ang nag-uulat ng lokasyon ng mga ito.
Iba-iba ang dalas ng pagkolekta ng eksaktong lokasyon mo bilang bahagi ng setting ng History ng Lokasyon. Halimbawa, kung gumagamit ka ng navigation sa Google Maps, posible itong kolektahin nang ilang beses kada minuto. Pero kung hindi mo aktibong ginagamit ang iyong telepono, puwedeng kolektahin iyon nang isang beses kada ilang oras.
Nakadepende sa iyong mga setting kung gaano katagal naka-save ang data ng History ng Lokasyon—puwede mong piliing awtomatikong i-delete ang data na ito kapag 3, 18, o 36 na buwan na ito, o panatilihin ang data hanggang sa i-delete mo ito.
Tandaan
Kung io-off mo ang History ng Lokasyon
- Patuloy na iso-store ng Google ang anumang dating data ng History ng Lokasyon na na-save mo hanggang sa i-delete mo ito, o ide-delete ito pagkatapos ng yugto ng panahon na pinili mo bilang bahagi ng iyong mga setting ng awtomatikong pag-delete.
- Kapag na-off ang History ng Lokasyon, hindi ito makakaapekto sa kung paano sine-save o ginagamit ng Aktibidad sa Web at App o iba pang produkto ng Google, hal., batay sa iyong IP address, ang impormasyon ng lokasyon. Posibleng mayroon ka pa ring ibang setting na nagse-save ng impormasyon ng lokasyon.
Para tingnan kung na-on mo ang History ng Lokasyon, bumisita sa iyong Mga Kontrol ng Aktibidad. Matuto pa.
Aktibidad sa Web at App
Ginagamit ang data ng Aktibidad sa Web at App para gawing mas naka-personalize ang experience mo sa Maps, Search, at iba pang serbisyo ng Google. Puwede rin itong gamitin para magpakita sa iyo ng mga mas nauugnay na ad, depende sa mga setting ng mga ad mo. Gagana sa mga device mo ang Aktibidad sa Web at App saan ka man naka-sign in sa iyong account.
Kapag naka-on ang Aktibidad sa Web at App, magse-save ang Google ng data tungkol sa mga bagay na ginagawa mo sa mga serbisyo ng Google sa Aktibidad sa Web at App ng iyong account. Kasama rito ang nauugnay na impormasyon, tulad ng general area kung saan ka gumamit ng serbisyo ng Google.
Halimbawa, kung maghahanap ka ng impormasyon sa lagay ng panahon at makakakuha ka ng mga resulta para sa lokasyong ipinadala mula sa iyong device, ise-save sa Aktibidad sa Web at App mo ang aktibidad na ito, kasama ang general area kung nasaan ang iyong device noong naghanap ka. Hindi iso-store ang eksaktong lokasyong ipinadala ng device mo, at ang general area ng lokasyon lang ang iso-store. Puwedeng magmula sa IP address o device mo ang naka-save na lokasyon na magagamit para matulungan ang Google na tumukoy ng mas may kaugnayang lokasyon kapag naghanap sa hinaharap. Awtomatikong ide-delete sa Aktibidad sa Web at App mo pagkalipas ng 30 araw ang naka-save na lokasyong ito.
Nakakatulong ang data ng Aktibidad sa Web at App para maunawaan ng Google ang mga general area na may kaugnayan para sa iyo, at nagsasama ito ng mga resulta para sa mga lugar na iyon kapag gumagawa ka ng mga bagay tulad ng paghahanap.
Puwede mong suriin at i-delete ang impormasyon ng lokasyon at iba pang impormasyong naka-save sa iyong Aktibidad sa Web at App o i-off iyon sa pamamagitan ng pagpunta sa Mga Kontrol ng Aktibidad mo. Hindi na ise-save ang data ng aktibidad mo sa hinaharap kapag na-off ang Aktibidad sa Web at App.
Tandaan
Kapag na-off mo ang Aktibidad sa Web at App
- Posibleng may naka-save ka pa ring aktibidad na puwedeng gamitin hanggang sa i-delete mo ito. Puwede mo itong i-delete anumang oras. Awtomatiko pa ring nade-delete pagkalipas ng 30 araw ang iyong naka-save na impormasyon ng lokasyon.
- Kapag na-off ang Aktibidad sa Web at App, hindi ito makakaapekto sa kung paano sine-save o ginagamit ng iba pang setting, tulad ng History ng Lokasyon, ang impormasyon ng lokasyon. Posibleng mayroon ka pa ring ibang uri ng impormasyon ng lokasyon na naka-save bilang bahagi ng ibang setting, kasama ang IP address.
Para tingnan kung na-on mo ang Aktibidad sa Web at App, bumisita sa iyong Mga Kontrol ng Aktibidad. Matuto pa
Paano ginagamit ng Google ang impormasyon ng lokasyon na pseudonymous o anonymous?
Gumagamit ang Google ng naka-anonymize at naka-pseudonymize na impormasyon ng lokasyon para makatulong na mapaigting ang privacy ng mga tao. Karaniwang hindi maiuugnay sa sinuman ang naka-anonymize na impormasyon. Puwedeng nauugnay ang naka-pseudonymize na impormasyon sa natatanging identifier, gaya ng string ng numero, sa halip na sa impormasyong mas nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan, gaya ng account, pangalan, o email address ng isang tao. Posibleng gamitin ng Google ang naka-anonymize at naka-pseudonymize na impormasyon ng lokasyon sa mga produkto at serbisyo nito para sa mga layuning gaya ng pag-advertise o mga trend.
Puwedeng magawa ng mga user na i-reset ang ilang partikular na pseudonymous na pagkakakilanlan na naka-link sa impormasyon ng lokasyon. Halimbawa, puwedeng i-reset ng mga tao ang ilang partikular na pseudonymous na pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pag-reset ng mga advertising ID sa kanilang mga Android device. Bukod pa rito, awtomatikong nire-reset ng Google ang ilang partikular na pseudonymous na pagkakakilanlan para pahusayin ang privacy ng user, kasama ang para sa GLA, ang setting ng device na makokontrol ng mga user para pahusayin ang serbisyo at katumpakang batay sa lokasyon sa kanilang mga device.
Puwede ring gumamit ang Google ng naka-anonymize na impormasyon ng lokasyon sa iba pang paraan. Halimbawa, puwedeng mag-tap sa mga lugar sa Google Maps ang mga tao, halimbawa, sa isang restaurant o parke, para makita ang mga trend mula sa mga iyon sa isang lugar. Hindi magagamit para tumukoy ng indibidwal ang impormasyon ng lokasyon na ginagamit para bumuo ng mga trend, gaya ng mga abalang oras. Kung walang sapat na impormasyon ang Google para magbigay ng tumpak at anonymous na impormasyon sa kaabalahan, hindi iyon lalabas sa Google.
Nag-aalok din ang Google sa mga taong naka-sign out ng ibang paraan para pamahalaan ang impormasyong nauugnay sa kanilang browser o device, kasama ang setting ng pag-customize ng Search, mga setting ng YouTube, at mga setting ng mga ad. Matuto pa
Matuto pa tungkol sa paggamit ng Google ng impormasyon ng lokasyon sa Patakaran sa Privacy ng Google. Matuto pa tungkol sa kung paano pinapanatili ng Google ang nakolektang data at paano nag-a-anonymize ang Google ng data.
Gaano katagal nagpapanatili ang Google ng impormasyon ng lokasyon?
Inilalarawan ng Patakaran sa Privacy ng Google ang aming mga kagawian sa pagpapanatili para sa data ng user, kasama ang impormasyon ng lokasyon na kinokolekta ng Google. Kinokolekta ang impormasyon ng lokasyon para sa iba't ibang yugto ng panahon, depende sa kung ano ito, paano ito ginagamit, at paano kino-configure ng mga tao ang kanilang mga setting.
May impormasyon ng lokasyon na naka-save sa iyong Google Account hanggang sa i-delete mo iyon
- Pagkontrol sa pagpapanatili at pag-delete: Parehong may mga opsyon sa awtimatikong pag-delete ang History ng Lokasyon at Aktibidad sa Web at App, na nagbibigay-daan sa iyong awtomatikong mag-delete ng data pagkalipas ng 3, 18, o 36 na buwan. Makikita mo rin ang data na ito sa pamamagitan ng pagbisita sa Timeline at Aking Aktibidad, at made-delete mo ang partikular na aktibidad o maramihang data ayon sa kagustuhan mo. Puwede mong baguhin ang mga setting na ito o baguhin ang iyong opsyon sa awtomatikong pag-delete anumang oras.
- Pagse-save ng impormasyon ng lokasyon: Depende sa produkto o serbisyo ng Google, puwedeng ma-save ang impormasyon ng lokasyon sa iyong Google Account. Halimbawa, puwede kang mag-tag ng mga lokasyon sa Photos, o mag-dagdag ng Address ng tahanan o Address ng trabaho sa Maps. Puwede mong i-delete ang impormasyong ito.
Kapag nagde-delete ka ng data, sumusunod ang Google sa patakarang ligtas at ganap na alisin ito sa iyong account para hindi na maging posible ang pag-recover ng data. Una, inaalis sa view ang aktibidad na dine-delete mo at hindi na ito gagamitin para i-personalize ang iyong experience sa Google. Pagkatapos ay magsisimula ang Google ng prosesong idinisenyo para ligtas at ganap na i-delete ang data sa mga storage system ng Google. Matuto pa tungkol sa kung paano pinapanatili ng Google ang nakolektang data.
Impormasyong nag-e-expire pagkalipas ng partikular na yugto ng panahon
Para sa iba pang impormasyon ng lokasyon, gaya ng nakasaad sa Paano nagpapanatili ng data ang Google, sa halip na manual na i-delete, may mga pagkakataong nagso-store ng data ang Google sa loob ng takdang panahon bago iyon i-delete. Nakadepende sa uri ng data ang tagal para ligtas at ganap na ma-delete iyon, halimbawa:
- Ina-anonymize ng Google ang data sa pag-advertise sa mga log ng server sa pamamagitan ng pag-aalis ng bahagi ng IP address pagkalipas ng 9 na buwan at impormasyon ng cookie pagkalipas ng 18 buwan.
- Dine-delete ng Google ang lokasyong batay sa IP at lokasyon ng device mula sa iyong Aktibidad sa Web at App pagkalipas ng 30 araw.
Nagpapanatili ng impormasyon sa loob ng mahabang yugto ng pahanon para sa mga limitadong layunin
Gaya ng nakasaad sa Patakaran sa Privacy ng Google, “may data kami na pinapanatili nang mas matagal kapag kinakailangan para sa mga lehitimong layunin sa negosyo o ayon sa batas, gaya ng seguridad, pagpigil sa panloloko at pang-aabuso, o pagpapanatili ng financial record.” Matuto pa tungkol sa aming mga kasanayan sa pagpapanatili
Paano ginagamit ang impormasyon ng lokasyon para sa mga ad?
Para makatulong na magpakita sa iyo ng mga ad na mas may kaugnayan
Puwedeng ibatay sa iyong impormasyon sa lokasyon ang mga nakikita mong ad. Karaniwang gumagamit ang mga ad sa Google ng uri ng impormasyon sa lokasyon na ginagamit din ng mga produkto kung saan lumalabas ang mga iyon. Halimbawa, depende sa mga setting mo, posibleng ibatay ang mga ad sa Search at iba pang surface ng Google sa lokasyon mula sa iyong device, IP address, nakaraang aktibidad, o address ng bahay at trabaho mula sa Google Account mo. Bukod pa rito, posibleng gamitin ang metadata (hal., timezone ng browser, domain, content sa page, uri ng browser, wika ng page) para tantyahin ang iyong bansa o pangkalahatang lugar kung saan ka interesado. Posible kaming sumalalay sa metadata na ito bilang karagdagan sa mga signal ng lokasyon na nakukuha namin mula sa iyong IP address, VPN, proxy service, o iba pang impormasyon ng network.
Kapag ginagamit ang impormasyon ng lokasyon na ito, nakakatulong ito para maging mas nauugnay sa lugar na kinaroroonan mo, o mga lugar na nauugnay sa iyo, ng mga ad na nakikita mo. Halimbawa, kung naka-on ang setting ng lokasyon ng iyong device at maghahanap ka sa Google ng mga restaurant na malapit sa iyo, puwedeng gamitin ang kasalukuyang lokasyon ng device mo para magpakita sa iyo ng mga ad para sa mga restaurant na malapit sa iyo. Puwede ring gamitin ang lokasyon mo para magpakita sa iyo ng mga distansya sa mga negosyong nasa malapit bilang bahagi ng mga ad sa Google.
Posible ring gamitin ng Google ang mga naging aktibidad mo sa pag-browse o sa app (gaya ng mga hinanap mo, binisita mong website, o pinanood mong video sa YouTube) at ang mga general area na na-save bilang bahagi ng setting ng Aktibidad sa Web at App para magpakita sa iyo ng mga ad na mas kapaki-pakinabang. Halimbawa, kung maghanap ka sa Google kung saan makakabili ng gatas sa malapit, posible kang makakita ng mga ad para sa mga grocery store sa general area kung saan ka madalas mag-browse ng Google Search habang naghihintay ng bus o tren.
Puwede lang mag-target ang mga advertiser ng mga ad sa mga general area, tulad ng mga bansa, lungsod, o rehiyon sa paligid ng kanilang mga negosyo.
Para sa karagdagang impormasyon sa aming Display Network, bumisita sa Help Center.
Para matulungan ang mga advertiser na magsukat ng performance
Puwede ring gumamit ang Google ng impormasyon ng lokasyon para sa analytics at pagsukat para maunawaan kung paano ginagamit ang mga serbisyo ng Google. Halimbawa, kung pinili mong i-on ang History ng Lokasyon, gagamitin ng Google ang data na ito para tulungan ang mga advertiser na tantyahin kung malamang na bibisita ang mga tao sa kanilang mga tindahan dahil sa mga online ad. Ang mga anonymous na pagtatantya lang, hindi personal na impormasyon, ang ibinabahagi sa mga advertiser. Para gawin ito, kinokonekta ng Google ang iyong data ng online na aktibidad, tulad ng mga pag-click sa ad, sa data ng History ng Lokasyon na nauugnay sa mga store ng advertiser. Hindi ibinabahagi sa mga advertiser ang History ng Lokasyon mo.
Para pahusayin ang mga produkto at serbisyo ng Google
Gumagamit din ang Google ng impormasyon ng lokasyon para pahusayin ang mga produkto nito para sa mga ad. Halimbawa, puwedeng pagsama-samahin at gamitin sa mga modelo ng machine learning na nagpapahusay sa mga tool para sa Smart Bidding ang data tungkol sa mga ad na nakaka-interact mo, kasama ang general area para sa nauugnay na aktibidad, na sine-save sa iyong account. Hindi ibinabahagi sa mga advertiser ang data ng iyong account.
Paano ko makokontrol kung paano ginagamit ang impormasyon ng lokasyon ko para magpakita ng mga ad?
Makokontrol mo kung paano magagamit ang iyong mga general area kung saan ka gumamit ng mga site at app ng Google noon para maimpluwensyahan kung aling mga ad ang makikita mo sa pamamagitan ng pag-access sa kontrol na Mga lugar kung saan mo ginamit ang Google sa Ang Aking Ad Center.
Kapag naka-on ang Mga lugar kung saan mo ginamit ang Google
Kapag naka-on ang Pag-personalize ng Mga Ad at Mga lugar kung saan mo ginamit ang Google, gagamitin ng Google ang data na naka-save sa iyong Aktibidad sa Web at App na nauugnay sa mga general area kung saan ka gumamit ng mga site at app ng Google para i-personalize ang mga ad mo.
Kapag naka-off ang Mga lugar kung saan mo ginamit ang Google
Kapag naka-off ang Pag-personalize ng Mga Ad o Mga lugar kung saan mo ginamit ang Google, hindi gagamitin ng Google ang data na naka-save sa iyong Aktibidad sa Web at App na nauugnay sa mga general area kung saan ka gumamit ng mga site at app ng Google para i-personalize ang iyong mga ad. Kahit naka-off ang Mga lugar kung saan mo ginamit ang Google, posible ka pa ring makakita ng mga ad batay sa kasalukuyan mong lokasyon at mga lugar na itinakda mo bilang bahay at trabaho sa iyong Google Account.
Bukod pa rito, kung naka-sign out ka, puwede pa ring gamitin ng Google ang kasalukuyan mong lokasyon batay sa iyong IP address o device para magpakita sa iyo ng mga ad depende sa mga setting ng device at app mo.
Para sa karagdagang impormasyon kung paano i-on at i-off ang mga naka-personalize na ad kapag naka-sign out ka, pumunta rito.