Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Drive

Huling binago noong Disyembre 10, 2018 Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa: Enero 22, 2019

1. Panimula

Salamat sa paggamit sa Google Drive. Ang Google Drive ay isang serbisyong ibinibigay ng Google LLC (“Google”, “kami,” o “namin”), na matatagpuan sa 1600 Amphitheatre Parkway, Mountain View California 94043, USA. Kung ikaw ay nasa European Economic Area o Switzerland, ang Google Drive ay ibinibigay ng Google Ireland Limited (“Google”, “kami,” o “namin”), isang kumpanyang napapailalim at tumatakbo ayon sa mga batas ng Ireland (Nakarehistrong Numero: 368047), at matatagpuan sa Gordon House, Barrow Street, Dublin 4, Ireland. Saklaw ng Mga Tuntunin ng Serbisyong ito ng Google Drive (na tinutukoy namin bilang “Mga Tuntunin”) ang iyong paggamit at pag-access sa Google Drive at sa content mo sa Google Drive. Ipinapaliwanag ng aming Patakaran sa Privacy kung paano namin kinokolekta at ginagamit ang iyong impormasyon habang ibinabalangkas naman ng aming Mga Patakaran ng Programa ang mga responsibilidad mo kapag ginagamit ang aming Serbisyo.

Kinakailangang sumang-ayon ka sa Mga Tuntuning ito upang magamit mo ang Google Drive. Pakibasa nang mabuti ang mga ito. Kung hindi mo naiintindihan ang Mga Tuntunin, o kung hindi mo tinatanggap ang anumang bahagi ng mga ito, hindi mo dapat gamitin ang Google Drive.

2. Ang iyong paggamit ng Google Drive

Mga Paghihigpit ayon sa Edad. Upang magamit ang Google Drive, dapat ikaw ay 13 taong gulang pataas. Kung ikaw ay 13 taong gulang pataas ngunit wala pang 18 taong gulang, dapat ay mayroon kang pahintulot ng iyong magulang o legal na tagapag-alaga para magamit ang Google Drive at matanggap ang Mga Tuntunin.

Personal na Paggamit. Sa pagtanggap sa mga tuntuning ito, sumasang-ayon kang hindi mo gagamitin ang Google Drive para sa negosyo; dapat mong gamitin ang serbisyo ng Drive para lang sa mga personal at di-komersyal na layunin. Inirerekomenda naming gamitin ng mga negosyo ang G Suite.

Ang Iyong Google Account. Kakailanganin mo ng isang Google Account upang magamit ang Google Drive. Upang protektahan ang iyong Google Account, panatilihing kumpidensyal ang password mo. Ikaw ang responsable para sa aktibidad na nangyayari sa o sa pamamagitan ng iyong Google Account. Iwasang gamitin ang password ng Google Account mo bilang password sa mga application ng third-party. Kung may malaman kang anumang hindi awtorisadong paggamit ng iyong password o Google Account, sundin ang mga tagubiling ito.

Ang Iyong Pag-uugali. Huwag gamitin sa maling paraan ang Google Drive. Magagamit mo lang ang Google Drive ayon sa pinapahintulutan ng batas, kasama ang mga nalalapat na batas at regulasyon sa pagkontrol ng pag-export at muling pag-export. Ikaw ang responsable sa iyong pag-uugali at sa content mong naka-store sa Google Drive, at dapat kang sumunod sa aming Mga Patakaran ng Programa. Maaari naming suriin kung sumusunod sa Mga Tuntunin at sa aming Mga Patakaran ng Programa ang iyong pag-uugali at content sa Google Drive.

Available sa mga mobile device ang Google Drive. Huwag gamitin ang Google Drive sa paraang nakakaabala at pumipigil sa iyo sa pagsunod sa mga batas ukol sa trapiko o kaligtasan.

Ang Iyong Content. Binibigyang-daan ka ng Google Drive na mag-upload, magsumite, mag-store, magpadala at tumanggap ng content. Mapapanatili mo ang pagmamay-ari sa anumang karapatan sa intelektwal na ari-arian na mayroon ka sa content na iyon. Sa madaling sabi, mananatili sa iyo ang pag-aari mo.

Kapag nag-upload, nagsumite, nag-store, nagpadala, o nakatanggap ka ng content sa o sa pamamagitan ng Google Drive, binibigyan mo ang Google ng pandaigdigang lisensya na gamitin, i-host, i-store, i-reproduce, baguhin, o gawan ng mga hinangong gawa (gaya ng mga magreresulta sa mga pagsasalin, paghango, o iba pang pagbabagong ginagawa namin upang gumana nang mas maayos ang iyong content sa aming mga serbisyo), iugnay, i-publish, itanghal sa publiko, ipakita sa publiko, at ipamahagi ang naturang content. Ang mga karapatang ibinibigay mo sa lisensyang ito ay para sa limitadong layunin ng pagpapatakbo, pag-promote, at pagpapahusay ng aming mga serbisyo, at sa paggawa ng mga bagong serbisyo. Magpapatuloy ang lisensyang ito kahit na tumigil ka sa paggamit ng aming mga serbsiyo maliban na lang kung i-delete mo ang iyong content. Tiyaking mayroon ka ng mga kinakailangang karapatan upang ibigay sa amin ang lisensyang ito para sa anumang content na isusumite mo sa Google Drive.

Ang mga setting ng pagbabahagi sa Google Drive ay nagbibigay-daan sa iyo na makontrol kung ano ang maaaring gawin ng ibang tao sa iyong content sa Google Drive. Bilang default, ikaw ang nakatakdang magkokontrol sa lahat ng content na ginagawa o ina-upload mo sa Google Drive. Maaari mong ibahagi ang iyong content at ilipat ang pagkontrol sa content mo sa iba pang user.

Sinusuri ng aming mga naka-automate na system ang iyong content upang makapagbigay ng mga feature ng produkto na personal na may kaugnayan para sa iyo, tulad ng mga naka-customize na resulta ng paghahanap, at pag-detect ng spam at malware. Nangyayari ang pagsusuring ito habang ang content ay tinatanggap, ibinabahagi, at ina-upload at kapag ini-store ito. Makakahanap ka ng higit pang impormasyon kung paano gumagamit at nagso-store ng content ang Google sa aming Patakaran sa Privacy. Kung magsusumite ka ng feedback o mga mungkahi tungkol sa Google Drive, maaari naming gamitin ang iyong feedback o mga mungkahi nang walang obligasyon sa iyo.

Mga Anunsyo. Kaugnay ng paggamit mo sa Google Drive, maaari ka naming padalhan ng mga anunsyo sa serbisyo, pang-administratibong mensahe, at iba pang impormasyon. Maaari kang mag-opt out sa ilan sa mga komunikasyong iyon.

Ang aming mga serbisyo ng Google Drive Kapag ginamit ang Google Drive, hindi ka magkakaroon ng pagmamay-ari sa anumang karapatan sa intelektwal na ari-arian sa Google Drive o sa content na ina-access mo. Hindi ka maaaring gumamit ng content mula sa Google Drive maliban na lang kung makakakuha ka ng pahintulot mula sa may-ari nito o pinapahintulutan ka ng batas sa iba pang paraan. Hindi ka binibigyan ng mga tuntuning ito ng karapatang gamitin ang anumang branding o logo na ginagamit sa Google Drive. Huwag alisin, itago, o baguhin ang anumang legal na notice na ipinapakita sa, o kasama ng, Google Drive.

3. Pagprotekta sa Privacy

Ipinapaliwanag ng Patakaran sa Privacy ng Google kung paano namin ginagamit ang iyong personal na data at pinoprotektahan ang privacy mo kapag ginagamit mo ang Google Drive. Sa pamamagitan ng paggamit ng Google Drive, sumasang-ayon kang maaaring gamitin ng Google ang nasabing data alinsunod sa aming mga patakaran sa privacy.

4. Pagprotekta sa Copyright

Tumutugon kami sa mga abiso ng pinaghihinalaang paglabag sa copyright at winawakasan ang mga account ng mga paulit-ulit na lumalabag alinsunod sa prosesong itinatakda sa U.S. Digital Millennium Copyright Act.

Nagbibigay kami ng impormasyon upang tulungan ang mga may-ari ng copyright na pamahalaan ang kanilang intelektwal na ari-arian online. Kung sa tingin mo ay may taong lumalabag sa iyong mga copyright at gusto mo kaming abisuhan, mahahanap mo ang impormasyon tungkol sa pagsusumite ng mga abiso at ang patakaran ng Google tungkol sa pagtugon sa mga abiso sa aming Help Center.

5. Mga Patakaran ng Programa

Maaari kaming magsuri ng content upang matukoy kung ilegal o nilalabag nito ang aming Mga Patakaran ng Programa, at maaari naming alisin o tanggihang ipakita ang content na makatuwiran naming pinapaniwalaang lumalabag sa aming mga patakaran o sa batas. Ngunit hindi ito palaging nangangahulugang nagsusuri ng content, kaya huwag ipagpalagay na ginagawa namin ito.

6. Tungkol sa Software sa aming Mga Serbisyo

Client Software. May mga nada-download na client software (“Software”) sa Google Drive. Maaaring awtomatikong mag-update ang Software na ito sa iyong device kapag may available na bagong bersyon o feature. Bibigyan ka ng Google ng personal, pandaigdigan, walang royalty, hindi naitatalaga, at hindi eksklusibong lisensya na gamitin ang Software na ibinigay sa iyo ng Google bilang bahagi ng Google Drive. Ang lisensyang ito ay para lang sa layuning bigyang-daan kang gamitin at i-enjoy ang benepisyo ng Google Drive gaya ng ibinigay ng Google, sa paraang pinapahintulutan ng Mga Tuntuning ito. Hindi mo maaaring kopyahin, baguhin, ipamahagi, ibenta, o i-lease ang anumang bahagi ng Google Drive o kasamang software, o ipasailalim sa reverse engineering o subukang i-extract ang source code ng software na iyon, maliban na lang kung ipinagbabawal ng mga batas ang mga paghihigpit na iyon o mayroon kang nakasulat na pahintulot mula sa amin.

Open source software. Mahalaga sa amin ang open source software. Ang ilang software na ginagamit sa Google Drive ay maaaring iniaalok sa ilalim ng open source na lisensya na gagawin naming available sa iyo. Maaaring may mga probisyon sa open source na lisensya na malinaw na nag-o-override sa ilan sa Mga Tuntuning ito.

7. Pagbago at Pag-terminate sa Google Drive

Mga Pagbabago sa Google Drive. Patuloy naming binabago at pinapahusay ang Google Drive. Maaaring kaming magsagawa ng mga pagpapahusay sa performance o seguridad, magbago ng mga functionality o feature, o gumawa ng mga pagbabago upang sumunod sa batas o upang iwasan ang mga ilegal na aktibidad o pang-aabuso sa aming mga system. Maaari kang mag-subscribe upang makatanggap ng impormasyon tungkol sa Google Drive dito. Magbibigay kami ng abiso sa malalaking pagbabago sa Google Drive na makatuwiran naming pinaniniwalaan na makakaapekto nang masama sa paggamit mo ng Google Drive. Gayunpaman, may mga pagkakataong kakailanganin naming gumawa ng mga pagbabago sa Google Drive nang hindi nag-aabiso. Lilimitahan ang mga ito sa mga pagkakataong kailangan naming magsagawa ng aksyon upang tiyakin ang seguridad at operability ng serbisyo, pigilan ang pang-aabuso, o kung saan kailangan naming kumilos upang tumugon sa mga legal requirement.

Pagsususpinde at Pagwawakas. Maaari kang tumigil sa paggamit ng Google Drive anumang oras, bagama't ikalulungkot namin ang pag-alis mo. Maaari naming suspindihin o permanenteng i-disable ang iyong access sa Google Drive kung mabigat o paulit-ulit na paglabag mo sa aming Mga Tuntunin o sa aming Mga Patakaran ng Programa. Bibigyan ka namin ng paunang abiso hinggil sa pagsuspinde o pag-disable namin sa access mo sa Google Drive. Gayunpaman, maaari naming suspindihin o i-disable ang iyong access sa Google Drive nang walang abiso kung ginagamit mo ang Google Drive sa paraang makakapagdulot sa amin ng legal na sagutin o makakaabala sa kakayahan ng ibang ma-access at magamit ang Google Drive.

Paghinto ng Google Drive. Kung magpasya kaming ihinto ang Google Drive, bibigyan ka namin ng hindi bababa sa 60 araw na paunang abiso. Sa panahon ng abisong ito, magkakaroon ka ng pagkakataong alisin ang iyong mga file sa Google Drive. Pagkatapos ng 60 araw na panahong ito, hindi mo na maa-access ang iyong mga file. Naniniwala kaming pagmamay-ari mo ang iyong mga file at mahalaga ang pagpapanatili ng access mo sa mga naturang file. Para sa mga tagubilin sa kung paano i-download ang iyong mga file, pakibisita ang aming page ng suporta.

8. Pagbili ng Karagdagang Storage at Mga Pagbabayad

Libreng Storage. Pinapayagan ka ng Google na gumamit ng 15 GB ng libreng online na storage ng Google (napapasailalim sa pagsunod mo sa Mga Tuntunin), na magagamit sa Google Drive, Gmail, at Google Photos.

Pagbili ng Karagdagang Storage. Makakabili ka rin ng karagdagang storage (“Bayad na Plan ng Storage”) kung kailangan mo ito. Awtomatiko ka naming sisilingin mula sa petsa kung kailan ka lumipat sa isang Bayad na Plan ng Storage at sa bawat pana-panahong pag-renew ng termino ng serbisyo hanggang sa pagkansela. Upang bumili ng Bayad na Plan ng Storage, dapat kang sumang-ayon sa mga kasunduan sa pagbabayad ayon sa isinasaad sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Payments. Kung wala kang Google Payment account, maaari kang mag-set up nito sa pamamagitan ng pagpunta sa link na ito, kung saan makakahanap ka rin ng higit pang impormasyon tungkol sa Google Payments. Nalalapat din ang Mga Tuntunin ng Serbisyo at Notification ng Privacy ng Payments kapag gusto mong bumili ng Bayad na Plan ng Storage gamit ang isang Google Payments account. Pakitiyak na babasahin mo nang mabuti ang mga tuntuning iyon bago magsagawa ng anumang pagbili.

Pagkansela. Mananatili ang bisa ng iyong Bayad na Plan ng Storage hanggang sa makansela, ma-downgrade, o mawakasan ito sa ilalim ng Mga Tuntuning ito. Maaari mong kanselahin o i-downgrade ang iyong Bayad na Plan ng Storage anumang oras sa mga setting ng storage ng Google Drive mo. Ilalapat ang iyong pagkansela o pag-downgrade sa susunod na sinasakupang panahon ng pagsingil pagkatapos mag-expire ng kasalukuyang termino ng serbisyo. Kung hindi ka magbabayad para sa Bayad na Plan ng Storage mo sa tamang oras, nakalaan sa amin ang karapatang i-downgrade ang iyong account at bawasan ang storage mo sa mga antas ng libreng espasyo. Ipinapaliwanag namin ang proseso ng pagkansela at pag-refund para sa iyong Bayad na Plan ng Storage sa aming Patakaran sa Pagbili, Pagkansela, at Refund.

Mga Pagbabago sa Plano at Presyo. Maaari naming baguhin ang may bisang plan ng storage at presyo ngunit aabisuhan ka namin bago isagawa ang mga pagbabagong ito. Ilalapat ang mga pagbabagong ito pagkatapos mag-expire ng iyong kasalukuyang termino ng serbisyo, sa nakatakdang panahon ng iyong susunod na pagbabayad pagkatapos ng abiso. Bibigyan ka namin ng hindi bababa sa 30 araw na abiso tungkol sa pagtaas ng presyo o pagbaba ng plan ng storage bago ka singilin. Kung nabigyan ka ng mas maikli sa 30 na paunang abiso, hindi malalapat ang pagbabago hanggang sa nakatakdang panahon ng pagbabayad pagkatapos ng susunod na pagbabayad. Kung ayaw mong magpatuloy sa na-update na plan o presyo ng storage, maaari mong kanselahin o i-downgrade ang iyong Bayad na Plan ng Storage anumang oras mula sa iyong mga setting ng storage ng Google Drive. Malalapat ang pagkansela o pag-downgrade mo sa susunod na sinasakupang panahon ng pagsingil pagkatapos ng kasalukuyang termino ng serbisyo; patuloy naming gagawing available ang iyong mga file sa iyo o bibigyan ka ng pagkakataong alisin ang mga file mo sa Google Drive.

9. Ang Aming Mga Warranty at Disclaimer

Ibinibigay namin ang Google Drive gamit ang makatuwirang antas ng kasanayan at pag-iingat at umaasa kaming masisiyahan ka sa paggamit ng Google Drive. Ngunit may mga partikular na bagay na hindi namin ipinapangako tungkol sa Google Drive. Maliban sa hayagang isinasaad, hindi kami gumagawa ng anumang pangako tungkol sa partikular na functionality na available sa pamamagitan ng Google Drive, sa pagiging maaasahan o pagiging available nito, o sa kakayahan nitong matugunan ang iyong mga pangangailangan.

10. Sagutin para sa Google Drive

Walang responsibilidad o sagutin ang Google at ang mga supplier at distributor nito para sa:

(a) mga pagkaluging hindi dulot ng paglabag namin sa Mga Tuntuning ito;

(b) anumang pagkalugi o pinsala na, sa panahon ng pagbuo ng kaugnay na kontrata sa pagitan mo at ng Google, hindi makatuwirang nakikinitang resulta ng paglabag ng Google sa Mga Tuntunin; o

(c) mga pagkaluging kaugnay ng anumang negosyo mo kabilang na ang mga nawalang tubo, kita, oportunidad, o data.

Limitado ang kabuuang sagutin ng Google, at ng mga supplier at distributor nito, para sa anumang habol sa ilalim ng mga tuntuning ito, kabilang na ang para sa anumang ipinapahiwatig na warranty, sa halagang ibinayad mo sa amin upang gamitin ang mga serbisyo (o kaya, kung libreng serbisyo ang paksa ng habol, sa muling pagbibigay sa iyo ng mga serbisyo).

Wala sa mga tuntuning ito ang itinakda upang hindi isama o limitahan ang sagutin ng Google at ng mga supplier at distributor nito para sa pagkamatay o personal na pinsala, panloloko, mapanlokong pagsisinungaling, o anumang saguting hindi maaaring palampasin ng batas.

11. Mga Batas na Nangangasiwa sa Mga Tuntunin.

Kung nakatira ka sa labas ng European Economic Area o Switzerland, malalapat ang mga batas ng California, U.S.A., maliban ang mga panuntunan sa pagsasalungat ng mga batas ng California, sa anumang di-pagkakasundong resulta o kaugnay ng Mga Tuntuning ito o ng Google Drive. Eksklusibong lilitisin ang lahat ng habol na resulta o kaugnay ng Mga Tuntuning ito o ng Google Drive sa mga pederal o pang-estadong hukuman ng Santa Clara County, California, USA, at pinapahintulutan mo at ng Google ang personal na hurisdiksyon sa mga hukumang iyon.

Kung nakatira ka sa European Economic Area o Switzerland, malalapat ang mga batas at hukuman ng iyong bansang tinitirhan sa anumang di-pagkakasundong resulta o kaugnay ng Mga Tuntuning ito o ng Google Drive, at maaari mong dalhin ang mga legal na pagdinig sa mga hukuman sa iyong lugar. Para sa online na pagresolba, maaaring isumite ang mga di-pagkakasundo sa platform ng Online na Pagresolba ng Di-pagkakasundo ng European Commission.

12. Tungkol sa Mga Tuntuning ito

Maaari naming baguhin ang Mga Tuntuning ito o ang anumang karagdagang tuntuning nalalapat sa Google Drive, halimbawa: upang tugunan ang mga pagbabago sa Google Drive o sa batas, kaugalian, o patakarang pampulitika o pang-ekonomiya; o bilang tugon sa mga alituntuning ibinibigay ng mga regulator o nauugnay na pangkat sa industriya; o upang bigyang-daan ang Google na tuparin ang mga obligasyon nito. Dapat mong regular na suriin ang Mga Tuntuning ito. Magpo-post kami ng abiso sa mga pagbabago sa Mga Tuntuning ito sa page na ito. Magpo-post kami ng abiso para sa mga nabagong karagdagang tuntunin (“Mga Karagdagang Tuntunin”) sa Google Drive at bibigyan ka namin ng paunang abiso para sa mahahalagang pagbabago sa Mga Tuntunin. Hindi mailalapat sa nakaraan ang mga pagbabago at magkakabisa ang mga ito pagkalipas ng hindi lalagpas sa 14 na araw pagkatapos i-post ang mga ito o pagkatapos kang maabisuhan tungkol sa mga ito. Gayunpaman, agarang magkakabisa ang mga pagbabagong tumutugon sa mga bagong function o feature (“Mga Bagong Serbisyo”) o mga pagbabagong ginawa para sa mga legal na dahilan. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga nabagong tuntunin para sa isang Bagong Serbisyo, dapat kang tumigil sa paggamit ng Bagong Serbisyong iyon (tingnan ang “Pagwawakas” sa itaas, para sa higit pang impormasyon).

Kung may pagsasalungat sa pagitan ng Mga Tuntuning ito at ng Mga Karagdagang Tuntunin, ang Mga Karagdagang Tuntunin ang magkokontrol para sa pagsasalungat na iyon.

Pinamamahalaan ng Mga Tuntuning ito ang ugnayan sa pagitan mo at ng Google. Hindi gumagawa ang mga ito ng anumang karapatan ng tatanggap na third party.

Kung hindi ka susunod sa Mga Tuntuning ito, at hindi kami kaagad gagawa ng pagkilos, hindi ito nangangahulugang isinusuko namin ang anumang karapatang maaaring mayroon kami (gaya ng paggawa ng pagkilos sa hinaharap).

Kapag lumabas na hindi maaaring ipatupad ang isang partikular na tuntunin, hindi nito maaapektuhan ang anumang iba pang tuntunin.

Para sa impormasyon kung paano makipag-ugnayan sa Google, pakibisita ang aming page ng pakikipag-ugnayan.